75

10 0 0
                                    



Pagkarating namin ni mom sa bahay natatawa kami dahil sa mga kwento niya, siguro ganon ano pag ina mo talaga kahit ilang taon kayong hindi nagkita oras na magkita kayo magiging malapit kayo sa isa’t isa.

Nakita namin sa may sala si Kuya na may buhat na bata. Nagulat kami ni mom kung sino iyon ang sabi niya anak niya daw. Si mom ang unang nagbuhat doon sa baby.

Habang tinitignan ko iyong baby napapatingin ako kay kuya atnakikita ko iyong similarities nila. Nakuha niya kay kuya ang ilong nito at ang heart-shaped lip niya. Mahaba din ang pilik mata sivuro naman sa mommy niya.

Noong natapos buhatin ni mom ay ako naman, grabe ang bigat tinatanong ni mom kung nasaan ang nanay sabi ay iniwan na daw sila, nine months na pala si baby.

“Kuya what’s his name?” tanong ko

“He is Cooler Blue Martyrdom” sabi niya ang cute nong name

“He looks like you kuya” sabi niya at ngumiti sa akin

“Yeah, by the way naasikaso ko na iyong transfer mo dito sa branch niyo, Sabi ni Rain Pwede mo daw kunin iyong work mo doon at idala dito, tgen you’re the one who’ll manage the brach here” sabi ni kuya at tumango pa ako

“Thank You kuya” sabi ko at ginulo pa ang buhok ko

“Anything for our bunso” sabi niya sa akin.

Habang karga ko si Blue nakatulog na kaya ibinigay ko kay kuya. Tumulong ako sa kusina para sa paghahanda ng hapunan. Noong una ay ayaw nila kaso sabi ni mom hayaan lang daw ako.

To be honest sobrang daming kasama bahay dito, iba kadi iyong naglilinis ng bahay, iba pa iyong sa bawat kwaeto, iba iyong cook at marami pang iba. Noong natapos kaming magluto umakyat na ako sa taas.

Siguro kung araw araw kang tatas baba dito mapapagod ka taas eh. Hindi rin ako sanay dahil iyong mga damit nila mom, ate at kuya na pambahay daw nila ay panlabas ko na.

Naging mabilis ang araw ngayon ay New Year Eve na, may pa fireworks display pala sila mom every New Year kaso naalala ko iyong huling nood ko ng fireworks whew. Nagpaalam ako kay mom if I can call kuya PJ ayos lang daw wlaa naman problema.

Compose Message
To:Bossing

“Hello Bossing kamusta diyan, anong handa niya iyong leche flan ni Isaac huwag mo kakalimutan tapos iyong barbecue huu, mahal ko kayo tawag ka pag nabasa mo to” sabi ko sa text message ko

Walang pang isang minuto ay tumatawag na siya sa Messenger para sa video call kaya agad kong sinagot iyon.

“Hi Kuya” sabi ko at agad kong nakita ang pagpunas niya ng luha

“Hi Titaaaaa!” Sigaw ni Isaac

“How are you Baby, inaalagaan mo ba si Ireful?” tanong ko at tumango naman siya “Oy kuya baka naman gusto mo ako kausapin” sabi ko sa kanya

“Baliw hindi ko pa kasi napapatawad ang sarili ko kahit dalawang buwan na ang nakakalipas, pero ikaw nagawa mo” sabi niya

“Baliw ayos na iyon kasi ang dami mong sacrifices sa akin at iyon ang tinignan ko, siguro may kirot pa pero mawawal din iyon” sabi ko

“Eh kamusta naman diyan?” tanong niya

“Ayos lang kuya, pakita naman sila ate oh pati sila manang” sabi ko at naramdaman kong tumabi sa akin si kuya at ate kay ngumiti ako.

“No wonder why you grow up bright” sabi ni ate

“Sana mameet niyo din sila soon ate”sabi ko pa

“Oh CA kamusta kana diyan, Balita ko dito ke PJ eh diyan ka na raw magtatrabaho?” si manang

“Opo manang gusto ko pong makasama sila mommy at mga kapatid ko, nga po pala kasama ko sila ngayon” sabi ko at ipinakilala ang mga kapatid ko at magiliw naman sila

Palipat lipat ang may hawak sa Cellphone ni Kuya ngayon ay hawak ni Ireful kinukulit ako kung kailan ako uuwi doon sabi ko naman second week of January dahil kukunin ko ang mga gamit ko.

Ilang minuto na lang ay bagong taon na kaya nagpalit na kami. Binilhan ako ni ate ng cocktail dress na siyang isinuot ko nagsuot lang ako ng wedge syempre tatalon ako mamaya eh.

Pagkababa ko nakita ko silang lahat sa baba kaya binilisan ko ang paglalakad. Let’s go outside na five minutes na lang narinig kong sigaw ni kuya.

Habang naglalakad kami palabas hindi ko maiwasang maluha dahil ito ang unang bagong na hindi sila Kuya Pj ang kasama ko at ang unang bagong tao na ang tunay na pamilya ko ang kasama ko.

Kumuha ako ng dalawang lusis, kinuhanan pa ako ni ate ng picture. Naalala ko na ang sabi ko kay Hera at Sierra bisita sila dito sa Isabela minsan, hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi sa kanila.

Pagsapit ng bagong taon lahat kami ay nagtatatalon, si Blue ay umiiyak na dahil sa torotot namin ni ate, Binati ko si Mommy at tumingin ako sa langit para batiin si Daddy bago napangiti ng mapait.

Noong kumakain na kami bigla kong naisip sila Therese doon. Kamusta na kaya sila, kailangan ko silang bisitahin dahil nangako akong babalik ako. Napnsin ko na napatingin sa akin si mom.

“You want to say something?” tanong niya kaya tumango ako

“Kasi po ano may mga bata po kaming pinapakain sa bahay ampunan na ipinatayo noong  mama ni ate Xeya eh nangako po akong babalik ako” sabi ko habang nakatingin sa baba

“So what do you want us to do?” tanong ni ate habang nakangiti

“Eh balak ko po kasing maglabas ng pera, tapos itutulong doon tapos sa twenty nine po eh magpapakain po sana ako, pero kung hinfi po k ayos lang din po” sabi ko at natawa naman sila sa akin kaya napatingin ako

“Paano namin Hindi gugustihin iyon eh napaka ganda, alam mo bang tumutulong din kami dito may mga scholars kami kaya atos lang iyon” sabi ni mom

“You can also invite your friends here, what are their names again kuya I forgot na?” tanong ni ate kay kuya

“It’s Sierra and Hera” sabi ni kuya habang nakatingin sa akin.

“What Do You Want for your birthday, Oh I forgot we need to introduce you to public and I’m planning na sa birthday mo na lang ganapin is it ok?” tanong ni mom kaya tumango ako

“Kung ano po gusto niyo pero sana kaunti lang ang bisita takot po ako sa maraming tao” sabi ko at tumango naman sila.

Pagkatapos naming kumain nagpunta na ako sa kwarto dahil babagsak na ang talukap ng mata ko. Nagbihis lang ako ng pajama at t shirt,habang nakahiga binati ko na si Sierra at Hera dahil baka magtampo na.

Chineck ko rin ang message ko at puro pagbati lang iyon kaya kaya nagpasalamat na lang ako at binati sila. Nagpunta ako sa twitter ko to change my Icon, inilagay ko iyong kuha ni ate kanina. Pagkatapos non natulog na ako.

Naging mabilis ang araw at ngayon ay sasamahan ako ni Ate papuntang Ecija tawa pa nga kami ng tawa dahil kwinekwento niya iying mga naging ex niya tapos bigla akong natahimik noong ako na.

“Do you still love him? Tanong niya dahan dahan man ay napatango ako sa kanya  “It’s ok, basta hindi ka mang aagaw pwera na lang kung siya na ang lumapit sayo” sabi niya at natawa

“Ang Hirap kasi niyang bitawan ate sa totoo lang” sabi ko at napatingin pa sa labas

“Ayos lang iyong ang importante ay nagawa mong magtagumpay ng wala siya, hindi man ganoon kasaya pero madami kaming handang pumuno diyan sa nawawalang piraso” sabi niya at ngumiti pa sa akin

Pagakatpos ng paguusap namin nakatulog ako, may inayos kasi akong trabaho kagabi at anong oras na akong natulog. Nagising na lang ako noong tumigil ang sasakyan at narokn na kami sa tapat ng bahay ni kuya

“Do you know that I’m crushing on your kuya PJ” sabi niya kaya natawa ako

“Bawal may asawa na eh” sabi ko at tumawa naman siya

Isinama ko siya sa pagpasok sa loob, namataan ko si mang mando at manang na nasa labas kaya napatakbo sa akin at yumakap. Si manang ay humalik pa sa pisngi ko kaya hinayaan ko na lang.

“Abay lalo kang gumanda CA ayan ba ang nagagawa ng Isabela sa iyo, Ito ba ang kapatid mo?” tanong niya sa akin habang nakaturo kay ate kaya tumango ako “Napakagandang nilalang din, ay soya sige pumasok na kayo at nagpaluto ang kuya at ate mo ng ube halaya” sabi ni manang

Pagpasok ko sa bahay bumungad sa akin si Isaac at Ireful agad ko silang niyakap at umiyak pa at tinatanong kung aalis ako ulit at tumango ako. Agad akong lumapit kay kuya at yumakap ganoon din ang ginawa ko kay ate.

Ipinakilala ko din si Ate Tyche sa kanila at napag-alaman kong naging magkaklase pala sila ni ate Xeya noon. Pagkatapos naming magbatian umakyat ako sa kwarto at tinignan ang mga gamit ko. Kinuha ko iyong mga bigay ni Xy kailangan kong motivation eh.

Agad kaming kumain dahil kailangan ko pang magpunta sa Office. Habang kumakain hinayaan kong subuan ako ng dalawang bulinggit kita ko ang saya sa kanila kahit aalis din ako maya maya. Pagkatapos naming kumain nagpaalam na din ako na aalis.

Sa daan papunta sa office naging masaya ako hindi kami makaoag kita ngayon nila Hera dahil may mga ginagawa sila. Sa susunod na linggo ay paparoon daw sila kaya natuwa ako.

Noong paakyat na kami sa Building nakita ko ang sekretarya ko at yumakap agad sa akin at parang hindi matanggap na aalis na ako. Pumasok ako sanoffice ko at nakita ko si Rain doon.

“You’re really going?” tanong niya

“Yes, I need to” sabi ko at tumayo siya

“Alam kong alam mo na ang mangyayari noh so magkikita parin tayo” sabi niya at umalis na

“Pogi” bulong ni ate kaya napatango ako

Habang kinukuhan ko ang gamit ko napapangiti ako dahil, uuwi na ako na walang halong lungkot at pait. Uuwi na ako sa totoo kong buhay, at iiwan ang lugar na ito na naging saksi ng paghihirap ko.


SURVIVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon