Ngayon ay sabado ng hapon kaya uuwi kami dahil binyag bukas ni Ireful, nangako din ako kay Isaac na uuwi ako bukas. Buti na lang ang Review namin mula lunes hanggang Sabado so pwede kaming umuwi.
Habnga nasa daan kami pauwi pinagmamasdan ko ang dalawa dahil ako ang nag dadrive, paano kasi na Stress na daw sila dahil parang hindi naman daw namin inaral iyon kaya ako na ang nag drive.
Kita ko pa si Hera sa likuran at nakahiga na ganoon din si Sierra nauuntog na nga sa bintana kaso wala lang siyang pakialam. Habang natutulog sila nagkaroon ako ng pagkakataon na isipin siya. Kamusta na kaya siya, ok lang ba siya.
Noong nasa gate na kami ng village nagulat pa si kuya guard dahil nakita niya si Sierra na bagsak at tinanong pa kung lasing kako naman pagod lang kaya ganon, at pinaalalahanan pa ako na wag masyadong mag pagod kaya tinanguan ko na lang at dumiretso sa bahay.
Habang ipinapasok ko iyong sasakyan ni Hera nakita kong lumabas si Isaac at nagtatatalon na akala mo naman parang ilang taon kaming hindi ngakita eh.
“Sierra Hera Gising na nandito na tayo” sabi ko pa at tinapik pa iyong braso nila.
“Ang bilis naman natin” sabi ni Sierra at nag iinat pa
“Walang traffic eh kaya mabilis tayo, Buy Hera gising na” sabi ko oa dahil hindi parin nagigising
“Asan na ba tayo at nanggigising kayo” sabi niya pa
“Nawawala kasi tayo teh kaya ka namin ginigising” sabi ni Sierra kaya natawa naman ako
“Andito na tayo” kako naman bago bumba at iniabot kay Hera ang susi.
Nagulat pa ako nong biglang tumakbo palapit sa akin si Isaac at niyakap ako ng mahigpit, grabe parang nawala iyong pagod ko nakakatuwa naman. Pagkatapos niya akong yakapin ay humalik pa sa pisngi ko at tumakbo kila Sierra kaya pumasok naman ako.
Pagkapasok ko lahat sila busy dahil ang reception pala ay dito sa bahay kaya kinuha ko muna si Ireful para makapag trabaho sila ng maayos ang cute nong theme niya eh Wonderland kaya puro flowers.
“Oh nandito kana pala, kanina ka pa ba?” tanong ni ate
“Kakarating lang ate, si Kuya?” tanong ko pa sa kanya
“Wala pa, pero pauwi na siya kakatawag niya lang” sabi naman niya
“Anong oras bukas ate?” tanong ko
“Ten Lunch kasi iyon eh”sagot niya sa akin
Nilaro ko muna si Ireful kaso biglang inantok kaya pinatulog ko at inilagay sa Crib niya. Pagkatapos non nagpunta ako sa kusina dahil nagugutom na ako iyong dalawa daw mamaya na kakain dahil nag lalaro pa sila ni Isaac.
Pagkarating ko nagulat ko at si manang kaya nahulog niya iying planggana kaya ako na ang pumulot non. Hinampas niya pa ang balikat ko kaya niyakap ko si manang.
“Akala ko ay hindi ka makakauwi” sabi niya pa
“Eh nakauwi ako manang, anong nailuto mo diyan manang” sabi ko at tinuto iyong bananacue kaya kumuha ako.
“Masarap ho, ialalgay niyo ba doon sa kanila, ako na ho” kako naman at kinuha ang bananacue at inilagay doon sa sala.
“CA halika nga dito at may sasabihin ako” sabi naman ni manang kaya nagpunta ulit ako sa kusina
“Ano po iyon manang?” tanong ko naman at inakay noya sa kwarto nila
“May nag deliver ulit ng mga iyan dito buti at natityempuhan ko” sabi niya, so hindi parin pala iyon tumitigil.
“Manang nagpadala rin po siya sa apartment na tinutuluyan ko pero iyong ipinadala niya ho eh mga libro na gagamitin ko” pagku kwento ko naman sa kanya
“Wala ka parin bang ideya kung sino iyon?” tanong niya at umiling naman ako
Pagkalabas ko nakita kong wala na iyong dalawa sa mat ni Isaac, nakatulog na pala kasi si Isaac doon kaya nagpunta ako sa kwarto at naabutan ko silang tulog na grabe alas otso palang tsaka hindi pa sila kumakain.
Naglatag na lang ako sa baba dahil paniguradong hindi kami magkakasya ngayon sa higaan ko. Habang nakahiga nakatitig lang ako sa ceiling at iniisip parin Siya. Iniisip niya rin kaya ako kagaya ko, Gusto niya rin ba akong makita kasi ako gustong gusto kahit pa may Iris na siya.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil bumukas ang pinto at nakita si Sierra na palabas kaya dahan dahan akong sumunod sa kanya. Nakita kong papunta siya sa kusina, siguro nagutom.
Agad kong kinuha ang bola ni Xy at pinagulong ko papunta sa paa niya nakita ko pang nagulat siya at biglang nanginig ang kamay niya kaya ako naman pinipigilan ang tawa.
Kinuha ko pa ang planggana na nasa lamesa at inilaglaga iyon kaya umiyak na siya ako naman pinipigilan parin ang tawa pero hinayaan ko na lang. Kumuha pa ako nong lobo tapos binitak kaya mas lalong lumakas ang iyak niya.
“Hi” sabi ko sa kanya kaya naibuga niya ang kinakain niya
“Gago ka CA kanina pa ako natatakot dito ikaw lang pala iyon” sabi niya
“Oo natatawa nga ako sa itsura mo eh mukha kang basang sisiw na natatakot hahaha” sabi ko
“Makakabawi din ako sa iyo antayin mo na lang” sabi niya habang hinuhugasan ang pinagkainan dahil huling subo niya na pala iyong kanina
“Tara sa labas?” tanong ko at tumango naman siya
Pagakarating namin doon naupo lang kami sa grass at pinagmasdan ang kalangitan. Walang umiimik sa amin kaya hinayaan ko na lang. Narinig ko pa ang pag buntong hinga niya kaya napatingin ako sa kanya.
“Ayos ka lang?” tanong ko at umiling siya
“Ang gulo noh, CA amitanging gusto ko lang oras nila kaso hindi nila maibigay, parang wala silang anak” sabi niya pa at natitig lang sa kawalan.
“Tinanong mo na ba kung ano ang rason, kung bakit baka kasi busy sa trabaho” sabi ko naman
“Aypn nga busy sila sa trabaho nila, ok lang naman sana maging busy kung makamusta man lang nila ako nakakainis lang parang mas anak pa nila iyong trabaho nila eh” sagot niya sa akin
“Sis kung hindi sila mag tatrabaho hindi mo magagawa iyong mga nagagawa mo ngayon” sabi ko
“Hindi eh, pwede naman kasing isa lang ang mag trabaho sa kanilang dalawa pero para silang nakukumpetensyahan at unti unti akong nakakalimutan ultimo birthday ko hindi na nila naalala” sabi niya kaya niyakap ko lang siya, nasasaktan ako para sa kanya
“Andito lang kami ni Hera ok kasama mo kami” sagot ko at ngumiti sa kanya
“Ang tanging gusto ko lang naman sa kanila iyong oras nila, wala naman akong pakialam sa pera nila dahil hindi naman non nabibili iyong saya na gusto ko” sabi niya habang nakayakap sa akin.
“One day, hayaan mong marealize nila, ok, one day kakamustahin ka din nila” sabi ko pa
“Siguro kailangan ko pang masaktan para bantayan nila ako noh, alagaan, tapos mahalin mas gusto ko pa nga iyong mga nasa average family eh kasi kahit hindi minsan maayos kagay nila masaya parin sila” sabi niya at humiwalay na sa yakap namin.
“Huwag, Huwag mong sasaktan ang sarili mo para makakuha ng atensyon na galing sa iba, paano kung saktan mo ang sarili mo pero hi di parin sila dumating diba” kako naman
“Sinasabi ko oras na mag katrabaho ako aalis ako sa bahay at magpuoundar baka sakaling hanapin nila ako” sabi niya pa
“Magiging ayos din lahat ok” sabi ko pa
“Eh ikaw kamusta na may progress na ba?” tanong niya
“Wala eh kapag ginagawa ko naman natatalo ako sa nararamdaman ko para sa kanya” sabi ko pa
“Mahal mo nga, no mahal na mahal mo” sabi niya at tumango lang ako sa kanya
“Pasok na tayo, mapapagod tayo mamaya eh” kako naman at tumango siya
Pagakarating namin sa kwarto nahiga ulit siya sa kama at ako naman sa lapag pjnipilit niya pa nga akong mahiga na rin sa kama kaso ang sabi ko sila na lang doon dahil ok naman ako sa baba.
It was eight in the morning when I woke up grabe para akong lasing my head hurts. Agad akong bumaba to check kung okay na tapos nakita kong maayos na lahat mamaya darating na daw iyong catering. Binuhat ko naman si Isaac na kakagising lang.
“Do you want to eat?” tanong ko at tumango naman siya
Meron doong itlog hotdog at bacon tapos mga prutas kaya kumain na kami. Sakto namang mag susubo ako eh dumating sila Hera at sinaluhan kami sa pagkain. Pagakatapos namin doon nagpunta na kami sa kwarto dahil malailigo na natagalan nga kaming kumain dahil sinusubuan namin si Isaac.
Pagkapasok ko naunang pumasok sa banyo si Hera at naligo na sabi niya kasi bibilisan niya kaya pinauna na namin sumunod naman ako, dahil tinatamad pa daw si Sierra eh halata lang naman na natutuwa sa kauspa niya sa cellphone niya.
Pagkalabas ko nakapalit na ako nakapants ako tapos iyong peach na long sleeve na bigay ni ate sa akin. Nauna akong lumabas dahil titignan ko pa si Isaac.
Pagkatalos nonagad kaming dumiretso sa simbahan sa amin sumabay si Isaac dahil nauna na sila kuya sa Simbahan. Pagakarating namin doon inilabas ko iyong camera at kinuhanan ng picture iyong mga ninong at ninang.
Grabe umaasa ako ngayon namakikita ko siya kahit sinabi ni ate na hindi siya darating. Sana man lang kahit anino niya makita ko, pero ito na siguro iyong way para makapag mive on ako sa kanya.
Habang nag uumpisa iying ceremony kinukuhanan ko lang sila ng picture. Si Ireful mukhang na eenjoy naman na kinukuhanan ko sila ng picture at halos sa mga picture niya nakangiti siya.
Agad akong lumabas at nagpunta sa banyo dahil ihing ihi na ako kaso pagpasok ko bigla akong kinlabutan kaya hindi na lang ako lumagoy. Noong paalis na ako doon napatingin ako sa labas at nakita ko ang naka cap na lalaki at pinaharurot ang motor noong nakita niya ako.
Pagkaapsok ko malapit na palang matapos ang ceremony. Noong tapos na pinapwesto noong kinuha nila ate na camera man iyong mga ninong at ninang. Kinuhanan ko din sila ng Photo sa camera para pag stress ako may titignan ako.
Pagkatapos non agad kaming umuwi dahil doon ang reception na. Kanina pa ako nagbibilang at lingon ng lingon pero wala akong makita na Xyrille, bakit kaya hindi siya pupunta, busy ba siya?.
Pagakarating namin sa bahay nag umpisa na iying program ako naman todo kuha lang ng mga picture para malibang dahil ayaw kong isipin si Xyrille. Pagsapit ng gabi nag iinuman na sila kami naman ay nagpaalam ng uuwi dahil maaga pa bukas.
Habang nasa daan hindi parin mawala sa isip ko iyong nakita ko kaninang lalaki sa church, baka si Xyrille iyon nag disguise lang?Pero ayaw kong umasa masakit teh ayaw ko naman saktan sarili ko at baka maging manhid na.
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang