Minsan kung sino pa ang iniiwasan nating makita sila pa ang makikita natin. Nandito ako ngayon sa Alice dahil nag crave anko ng wings habang kumakain ako kanina bigla silang dumating ni Iris at umupo pa sa tapat ko kaya nginitian ko sila.
“You’re alone?” pag sisimula ni Iris kaya napatingin ako sa tabi at harap ko kung may katabi ba ako
“May nakikita ka bang kasama ko” sagot ko naman sa kanya
“Malay ko ba kung kasama mo boyfriend mo, diba” sagot niya sa akin habang nakangisi halatang gustong mang asar whewww.
“Kung may boyfriend akong kasama laniguradong hindi ako iiwang mag isa dito sa table” sabi ko pa sa kanya at iniwas ko ang paningin ko
“Eh bakit ka iniwan” sagot niya sa akin,bakit kasi iniwan ni Xy dito hindi na tuloy masarap iyong wings.
“Hindi naman talaga ako iniwan, mayroon lang talagang nakapatid sa kanya na ahas tapos noong nadapa iyong ex ko pinulupot na nong ahas iyong sarili niya sa mahal ko” sagot ko naman sa kanya at nakikita ko ang galit sa mata niya.
Bakit siya magagalit, Samimg dalawa mas may karapatan akong magalit. Ewan ko ba dito simula noong malaman niya na ako iyong hinahanap niyang ex ni Xy, pag nakikita niya ako dumadada siya nakakarindi na.
“Ang kapal naman ng mukha mo mukha mo para sabihin na ahas ako” sabi niya sa akin kaya natawa ako
“Huwag kang mag alala hindi lang naman boyfriend mo ang naging boyfriend ko kaya huwag kang magamba ok” sagot ko sa kanya at nginitian siya
“Natural hindi naman ako ahas at kung magiging ahas man ako, ako ang pinaka maganda, eh ikaw ano ka” sabi naman niya ulit
“Cute na Cute lang na pusa na kayang pumatay ng ahas, minsan nga iniisip ko kung ahas ka ba o aso eh kasi minsan tahol ka ng tahol wala namang kwenta itinatahol mo” sagot ko sakto namang dumating si Xy dala iying order nila.
Habang tinatapos ko ang pagkain ko hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy ko ang pagkain. Naririnig ko pang ang tawanan nila at iyong mga sinasabi ni Iris na sinasadya niya iparinig.
Pagakatapos kong kumain tinaggal ko ang gloves ko at inayos ang pinagkainan ko habit ko na ata kahit saan ako kumain. Agad akong tumayo at maglalakad na sana kaso bigla akong natapunan ng orange juice. Potek lang kasi naka white pants ako eh sa may hita natapon hindi naman ganon kalaki kaso makikita at mahahalata talaga.
Agad akong napatingin kasy Iris dahil alam kong siya ang maya gawa, at tama nga ako dahil paglingon ko sa kanya nakangisi pa amporkchop. Lumapit naman ako sa kanila at kinuha ang juice ni Xy.
“Hindi ko alam na mas gusto mo pala iyong walang manners Xy kesa sa babaeng papatawarin ka huwag mo lang iwan” sabi ko pa “Turuan mo ng manners huh, mahaba ang pasensya ko pero huwag niya akong sagarin” sabi ko pa at humalik sa pisngi ni Xy habang nakatingin sa kanya at nanlaki ang mata niya “Bye Honey ingat sa ahas” sabi ko at tatawa tawang lumabas sa Alice.
Grabe parang gusto kong pumunta sa church dahil napakarami ko ng kasalanan, kaya nag drive ako papunta doon. Pagkarating ko isinawsaw ko ang hintuturo ko sa kabibe na may holy water at pumasok sa loob.
Pagakarating ko sa pinaka harap agad akong yumuko sa luhuran at nag dasal. Ewan ko ba pero alam ko Siya lang ang makakaintindk sa problema ko. Minsan kapag nawawala ako sa tuwid na daan doon ko Siya napapanaginipan,kaya dobrang nakakataba sa puso
Pagakatapos kong mag dasal agad kong pinunasan ang luha ko na tumulo kanina at umupo. Hinayaan ko lang na maging tahimik ang paligid ko at hindi nagsasalita. Minsan kailangan natin lang naman natin ng katahimikan para intindihin lahat.
Pagkalabas ko sa church dumiretso ako sa bahay at nakita ko si kuya na nag lilinis ng sasakyan kaya hindi ko muna ipinasok iyong sasakyan niya na bigay niya sa akin.
Pagkapasok ko nakita niya agad ako at pinaounta sa kanya kaya sumundo na lang ako baka mapagalitan na naman eh.
“Nagpunta dito si Xyrille hinahanap ka nagkabalikan kayo?” tanong niya kaya nagulat ako
“Hindi, nagkita kasi kami sa Alice kanina eh nagkasagutan kami nong girlfriend niya kaya siguro ganon” sagot ko naman
“Ah ok, nga pala nag usap kami,sinuntok ko siya” sabi niya sa akin habang ang paningin ay naroon parin sa sasakyan na nililinisan niya.
“Kuya naman, sabi kong hayaan mo na eh wala naman na akong pakialam sa kanya. Iyong girlfriend niya ang nanggugulo sa akin” sabi ko kay kuya
“Huwag mo ng patulan” sabi niya kaya natawa ako
“Late mo naman sinabi Bossing napatulan ko na” sabi ko at napatigil siya sa ginagawa niya
“Master naman, sige pagbigyan pero huwag mo na lang uulitin” sabi niya sa akin at tumango lang ako
“Magkatabi kami sa upuan, noong hindi niya pa alam na ako iyong ex sinabihan ako cheap, boring at kung ano ano pa” sagot ko naman sa kanya
“Epal siya, pero huwag mo na lang pansinin, naala mo iyong sabi mo sa akin na gusto mong magtapos na walang issue? Ayon ang tandaan” sabi niya sa akin at lumoob na ako
Pagkapasok ko nakita ko si Isaac na naglalaro sa mat niya malaki na eh apat na siya iyong height hindi pang aoat na taong gulang parang pang anim, tapos ang lusog pa.
Pagkakita sa akin ni Isaac hinili niya agad ako sa mat niya at ipinkaita sa akin ang nabuo niyang lego.
“What is that?” tanong ko dahil hindi ko mahulaan kung ano iyong lego niya
“This is our house tita” sabi niya sa akin kaya napa upo ako sa mat at sinuri iyon ang galing niya lang kasi saktong sakto iyong ginawa niya.
“I want to put this sa tabi po ng tv” sabi niya
“You’re doing great Isaac, go put it there na” sabi ko
Tinulungan ko siyang dahlhin ang lego house niya sa side table malapit sa tv. Kung ako magulang neto super duper proud ako pero alam ko na ganoon din ang nararamdaman naman ni kuya at ate.
Pagkatapos naming ilagay doon sa may table nagpaalam muna ako na aakyat at matutulog pero sng totoo gusto ko lang mapag isa at pakiramdaman ang sarili ko.
Ang hirap pala kapag pinipilit mong mag move on sa bagay na hindi mo kayang bitawan. Ang hirap kumbinsihin iyong sarili mo na tama na kasi alam mong ikaw iyong kawawa. Minsan kahit ano naman sa dalawa ang piliin mo kung isip o puso parehas naman na may chance na masaktan ka.
Sobrang nakakaproud lang iyong mga babae na kahit ilang beses ng nasaktang nagagawa parin nilang magmahal iykng kahit sobrang sakiy noong pinagdaanan nila sa nakaraan nagagawa parin nilang mag mahal.
Sa akin kasi hindi ko alam naubos ako eh. Ang sakit niyang mahalin pero kahit ganoon hindi ko kayang ibalik yong mga ginawa niya dahil alam ko naman sa sarili kl na mahal ko pa at kahit siguro mawala oyong nararamdaman ko sa kanya hindi ko parin ibabalik.
Tama na siguro iyong nasaktan ako ng sobra. Hindi ko naman ugali na magbalik ng sakit sa taong nanakit sa akin, marunong rumespeto sa desisyon ng isang tao.
Pagkatapos kong mag isip isip nahiga ako sa kama ko at tumitig lang sa kisame hinfi ko maintindihan ang mga naglalarong imahe sa isip ko kaya napagdesisyunan kong ipikit ang mata ko. Masakit lang siguro sa part na kahit ilang tulog, kahit ilang absent pa ang gawin ko hi di parin nag babago iyong oagmamahal ko sa kanya, parang mas lumalalal lang.
Sabi ko dati siguro pag natulog ako mareresolba lahat, toyoo naman iyon pero ilang oras lang minsan pa nga kung ano ang ikinakasakit ng damdamin ng isang tao napapanaginipan pa. Kaya minsan imbes na itulog iyong sakit dapat humanap tayo ng mapaglilibangan. Kasi kung patuloy nating tatakasan kailan pa ba tayo natututong lumaban?
BINABASA MO ANG
SURVIVOR
Non-FictionMaraming klase ng pagmamahal, may pagmamahal para sa kaibigan, magulang at sa sinisinta. May pagmamahal din na hahayaan tayong maging malaya, at may pagmamahal din nahanggang tingin na lang