Rosalie
"Diyos mio, buti na lang nakita kayo nina Lindo at Kael, ilang araw ba kayo islang iyon?" tanong sa akin ni Aling Mercedes.
Sila ang tumulong sa amin pagkatapos kaming isakay nina Lindo at Kael sakanilang bangka ar dinala sa kabilang isla na tinatawag na Isla Verde.
Kumpara sa islang ito, maraming taong naninirahan kaysa doon sa napadpadan namin ni Austin.
"Uhmm, halos isa o dalawang buwan po. Hindi po ako sigurado" tugon ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ng anak ni Aling Mercedes upang mag-bihis. Pinahiram din ako ni Pearly ng kaniyang mga damit.
Napahawak ito sa kaniyang bibig dahil sa gulat sa akin. Kita ko rin ang kaniyang pag-alala. Ngumiti ako upang ipakita na ayos lang.
Hindi ko na mabilang kung ilang pasasalamat ang ginawa ko. Masaya ako dahil sa wakas ay naka-alis na kami sa islang iyon.
Sa halos isang buwan ay naka-suot na rin ako ng maayos na damit. May maayos na matutuluyan.
Hindi ko alam kung paano pa mag papasalamat gayung dahil kanila Lindo at Kael na tinulungan kami. Maayos na pinatuloy kami ni Aling Mercedes sa tahanan niya.
Kinagabihan ay namimiss ko ang pagtanaw sa buwan at mga nagkikinangang bituin. May munting bahay na maliit sina Aling Mercedes na malapit lang sa kanilang bahay at doon kami pinatuloy.
Hintiran ako ni Pearly ng pagkain para sa hapunan. Ang sabi ay nakakain na raw si Austin kasama sina Lindo.
"Salamat, Pearly"
"Walang anuman, ate Rosalie"
Nasa kanila Manong Freddie si Austin, ginagamot ang sugat niya. Balak ko sana siyang puntahan ngunit pinigilan na ako ni Aling Mercedes.
"Naku, hija. Magpahinga ka na lang muna. Iuuwi rin iyon nina Freddie ang asawa mo "
Nabilaukan ako dahil sa sinabi ni Aling Mercedes. Napansin niya iyon kaya tiningnan niya ako ng nakakaloko at nakangiting umiling.
"Mga kabataan talaga ngayon. Ang aga-aga mag-asawa" aniya. Uminit ang pisngi ko dahil doon.
Ngunit kahit ganun ay nag-aalala pa rin ako sa kalagayan ni Austin. Sana mabuti na ang pakiramdam niya.
Pagsapit ng alas otso ng gabi ay lumamig na rin. Malakas na din ang hangin pati ang alon sa karagatan.
Ngunit hindi na ito katulad noon sa isla na sobrang lamig. Mayroon ng gagamiting kumot para pambawas lamig na pinahiram sa amin si Aling Mercedes.
Maayos na rin ang higaan namin hindi katulad noon na sobrang kati sa likod ng buhangin. Hindi na rin malagkit sa pakiramdam dahil nakapaglinis na ako ng katawan.
Ilang oras na paghihintay ay dumating na rin si Austin. Hinatid nina Kael.
"Lagot ka sa asawa mo!" Rinig kong sigaw mula sa labas.
Narinig ko pa ang ilang hagik-ikan ng mga kasama niya bago umalis. Nang papasok na ito sa pintuan ay mabilis ko siyang dinaluhan nang bahagya itong nawalan ng balanse at halos matumba na sa sahig.
"Austin! Ayos ka lang–"
Napatigil ako nang maamoy siya.
"Uminom ka?!"
Hindi ko maiwasan pagtaasan siya ng boses. Anong pumasok sa isip niyang mag-inom gayung may sakit siya!
Hindi ko maiwasan ang mainis dahil doon.
"Hmmm, a l-little bit.." lasing na tugon nito sa akin, mas lalo akong nairita doon.
Mahina itong tumawa at pinakita niya pa sa daliri niya ang sukat ng kaunti kunong pag-iinom niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/230493312-288-k502628.jpg)
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...