Rosalie
Inilapag ko ang dala-dala kong bulaklak sa lapidang nasa harap ko. It's been a year bago ako nakabisita rito.
"Kamusta Nay? Sorry po kung ngayon lang ako..." Marahan kong pinunasana ang nagbabadyang luha ko.
Sinindihan ko ang kandila bago umupo. Marahan kong hinaplos ang lapida ni Nanay.
"Nay, naalala niyo po ba noong itinuro mo sa akin noon?" Hindi ko mapigilan ang magbalik tanaw sa mga alaala ko kasama si Nanay.
"Bakit po hindi kayo galit kay Tatay nay?" inosenteng tanong ko kay Nanay habang marahang sinusuklayan niya ang buhok ko.
Matagal ito bago nakasagot. "Bakit ikaw ba, Rosalie. Galit ka ba sa tatay mo?" tanong nito pabalik. Inisip ko naman ang totoong nararamdaman ko kay Tatay.
"Hindi po." tugon ko. Totoong hindi ako galit kay Tatay kahit na masakit ang ginawa niya sa amin ni Nanay.
Naramdaman ko namang hinaplos niya ang buhok ko.
"Bakit po hindi ako nakaramdam ng galit kay Tatay kahit na masakit ang ginawa niya sa atin? Hindi ba dapat magalit tayo sakaniya kasi naghanap siya ng iba at iniwan tayo?"
"Alam mo anak, habang nabubuhay tayo, matuto tayong magpatawad. Kahit gaano man kabigat ang nagawa sayo ng isang tao. Dadating at dadating din ang panahon ng pagpapatawad. Hindi mananatili ang galit at poot habang buhay. Mas mangingibabaw pa rin ang kalinisan at kabutihin sa ating puso. Kung patuloy tayong mabubuhay sa galit hindi maghihilom ang sugat sa ating puso. Tandaan mo yan."
"Opo nay. Katulad po ng kasabihan na 'kapag binato ka ng bato batuhin mo ng pandesal' tama po ba?"
Tumawa si Nanay sa sinabi ko.
" 'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay' iyon anak. Aba't namimili ka pa ng klase ng tinapay ah." natatawang ani nito. Kinamot ko naman ang ulo ko dahil sa pagkapahiya. Hindi pala iyon pandesal.
"Masarap po ang pandesal eh." tangin tugon ko.
"Tama ka nay. Mangingibabaw pa rin ang pagpapatawad." sambit ko.
"Rosalie!" napalingon naman ako sa bagong dating. Kumaway ako sakaniya, ngumiti ito sa akin at lumapit sa gawi ko. May dala rin siyang bulaklak.
"Kanina ka pa ba? Sorry I'm late."
"Ayos lang, kararating ko lang eh."
" 'Right! Wala pa pala ang dalawa." natatawang ani nito. Umupo na rin siya sa tabi ko at inilapag sa lapida ni Nanay ang dala-dala niyang bulaklak.
"Sorry po.. huli na ako." Malungkot itong ngumiti habang sinindihan ang dala rin niyang kandila. Marahan naman niyang pinunasan ang luha niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang kumalma.
"G-gusto ko lang pong sabihin na. Sorry po.. S-sana mapatawad ninyo ako.. H-hindi ko po alam, I-ilang taong itinago sa akin..." Lumingon ito sa akin habang patuloy na nagbabadya ang kaniyang luha. Hindi na rin siya makapagsalita ng maayos..
"I-I'm sorry, ate Rosalie.."
"Lylia.." tanging sambit ko. Hindi ko na rin maiwasang mapaiyak.
Mabilis ko siyang niyakap.
"Lylia.. Tahan na.." pagtatahan ko sakaniya habang marahang hinahaplos ang kaniyang likod na dahilan ng kaniyang paghikbi ng malakas.
Ilang minuto kaming ganoon at umiyak bago tumahan. Sakto naman ang pagdating ni Devie at Lesley. Nakipag videocall rin si Seane at sa huli ay siya na naman ang umiyak.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...