CHAPTER 36 - Love

2K 40 3
                                    

WARNING: R18+ (medj lng)

Rosalie

3 Months Later

"Magkano ba ang sales ngayon?" tanong ko sa kanilang linya.

"Mataas naman po, Maam. Marami nga pong orders ngayon since kabuwanan ng February, alam niyo na po, Valentines day."

Sa tuwing may mga okasasyon na buwan ay marami talagang sale, lalong lalo kapag February, araw ng mga puso, March, Graduation day, November at Halloween pati na rin sa bagong taon.

Kahit saan naman talaga ay nagagamit ang bulaklak.

"Mama! Tapos na po ako sa assignment ko!" napalingon ako kay Somi nang lumapit ito sa akin.

"Talaga? Ang galing naman!" maligayang tugon ko at binuhat siya. Mariin ko naman siyang hinalikan sa pisngi, pinangigilan.

Sa nag-aaral na rin ng Daycare si Somi kaya minsan si Devie o hindi kaya si Lesley ang nagbabantay sakaniya kung busy naman ang dalawa si Ate Marites naman.

Nang umuwi kami sa Santa de Anna ni Somi ay sumama sina Devie sa amin. Kaya kapag hindi sila busy ay binibisita nila kaming dalawa ni Somi para raw hindi kami malungkot.

"Basta, Rosalie! Nandito lang ako, huwag ka nang malungkot diyan!"

"Salamat, Dev."

"Tse! Nagtatampo pa ako sayo! Sa ilang taon mong pagtago akala mo ganun lang kadali iyon?!" Sumimangot ito sa harapan ko.

"Pasensya na talaga, Devie." ngumiti ako sakaniya.

"Sus, kung hindi lang kita mahal!"

Hindi ko masisisi si Devie, kaytagal kong nawala. Masaya ako dahil nagkita ulit kami.

"Malapit na po ang bakasyon, Mama. Kailan po tayo babalik kanila, Lola?"

Natigilan ako sa tanong ng anak ko. Tatlong buwan, tatlong buwan na pala ang nakalipas. Pero para sa akin malinaw pa rin ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa matanggap. Hindi ko alam bakit ganun na lag kadali sakanila ang tanggaping wala na si Austin. Samantala ako heto, hindi pa rin makabangon.

Marami akong pinagsisihan, hindi ko man lang nasabing mahal ko siya. Pero mayroon sa puso ko na hindi pa, na buhay pa siya.

Buhay pa ba talaga o sadyang umaasa lang ako?

Noong una ayaw ko talagang maniwala, pero nakunpirma nang makita ng mga pulis ang dakawang bangkay ang nakita sa warehouse na iyon.

Bago pa man sumabog ang bomba ay nakatakas na si Camille pero nahuli rin kaagad. Kaya ang mga conclusion ng mga pulis ay maaaring kay Austin at sa tauhan ni Camille ang bangkay na iyon.

Hanggang ngayon sa tuwing naiisip ko ito ay parang hinahati ang puso ko, umiiyak na naman ako at mag-alala na naman si Somi sa akin.

Sa loob ng tatlong buwan walang araw na hindi ko siya nakakalimutan. Maraming pumapasok sa isip ko.

Paano kung, sana hindi na lang kami bumalik doon? Paano kung hindi kami ulit nagkita, hindi siguro ito mangyayari sakaniya.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon