Rosalie
4 Years Later
"Mauna na po kami sainyo, maam."
"Sige, magingat kayo." humihikab na tugon ko. May iilan pang nag-paalam sa akin bago ito tulyang umalis.
Muli akong humikab habang sinasarado ang laptop. Mabilis ko ring niligpit ang gamit saka naisipang umalis na rin.
Binalingan ko ang relo at nakitang mag-aalas otso. Maaga pa naman, pero kailangan ko na ring talagang umuwi.
Nang makasakay na ng taxi ay sinabi ko na rin kay Manong Driver ang address na pupuntahan ko, nanh makarating sa sinabing lugar ay pinag hintay ko muna ito.
"Sandali lang po, manong ah. Babalik din ako ka-agad."
Hindi na muna ako nagbayad at nagmadaling pumasok. Halos takbuhin ko ang loob ng apartment na tinatirahan ko dati.
"Nandito ka na pala!" bungad ni Ate Marites sa akin.
"Oo, naghihintay ang taxi sa labas." nagmamadaling tugon ko.
"Ay ano ba yan! Dito ka na sana kayo kumain eh." aniya nito, ngumiti ako at umiling.
"Sa susunod na ate, kailangan ko na rin kasing umuwi ng maaga. Alam mo na ang bahay walang tao."
"Oh, siya sandali lang. Tatawagan ko lang." tugon ni ate Marites at pumaosk sa kwarto niya.
"Mama!"
Ang kaninang pagod na naramdaman ko ay biglang nawala nang bumungad sa akin ang masigla kong anak.
Patakbo itong lumapit sa akin, sa tuwa ko naman ay binuhat ko agad siya at hinalik-halikan sa pisngi. Kahit na magkasama naman kami ng anak ko sa gabi at umaga bago pumasok sa trabaho ay hindi ko pa rin maiwasan ang mamimiss siya.
Niyakap niya rin ang leeg ko at doon na sumandal. Binigay na rin sa akin ni ate Marites ang maliit na bag na dala ng anak ko na naglalaman ng kaniyang mga damit at laruan.
"Oh siya sige na, baka nainip na yung driver. Mag-ingat kayo ah. Basta sa susunod dito na kayo kumain, ipagluluto kita ng paborito mo, gusto mo ba yun baby?" ani ni Ate Marites at binalingan ang anak ko.
"Oo naman po, Ninang!" masayang tugon ng anak ko na ikinangiti ko dahil sa kasiyahan niya.
Muli akong nagpaalam bago nagpasyang umalis na. Panay ang kwento ni Somi sa akin habang nasa taxi kami tungkol sa mga masayang araw niya na kasama si ate Marites.
Nakangiting nakikinig lang ako sakaniya. Kapag talaga kasama ko na ang anak ko na ay automatikong nabubura ang lahat ng pagod buong araw. Siya ang nagbigay ng liwanag sa madilim kong araw.
Sa loob ng apat na taon, sa anak ko ibinuhos ang lahat ng pagmamahal ko, sakaniya lang tanging umikot ang aking mundo. Siya lahat, anak ko lahat ng dahilan bakit ganito ako kasaya sa tuwing gigising ako ng umaga.
Lahat ng pagmamahal na ibinigay at pinaramdam ni nanay sa akin noon ganito pa ang edad ko ay sinukli ko rin sa anak ko. Nalulungkot ako dahil hindi na siya naabutan ni nanay.
Ngunit masaya parin kahit papaano dahil nawalan man ako pero may dumating naman para pasayahin ang mundo kong muntikan ng bumagsak.
Aaminin kong hindi madali ang mag-alaga ng bata. Kahit pa noong nagbubuntis ako ay nahirapan din ako gayung mag-isa lang ako, ngunit kumayod at nag-sipag ako para kay Somi.
![](https://img.wattpad.com/cover/230493312-288-k502628.jpg)
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...