Rosalie
Nanlamig bigla ang katawan ko hindi dahil sa malakas na ulan kundi dahil sa pinaghalong kaba at takot. Kung ano-ano na rin ang pumasok sa isip ko.
Hindi kaya isa ito sa mga tauhan ni Mayor Clemente? Nasundan na naman ba ako? Hindi ko kakayanin kung sakaling madadamay ang anak ko.
Itinapon ko ang mga roses na iyon sa basurahan. Kahit na naghihina ay nagmadali akong pumasok sa loob. Naglock ako ng pinto.
Hindi maari.. Hindi maari paano ang anak ko? Tumabi ako sa anak kong mahimbing na natutulog at binalot ng yakap. Dinampian ko ito ng halik sa noo.
Buong magdamag ay hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari. Wala akong ibang inisip kundi ang kaligtasan ng anak ko at mga taong sa paligid ko.
Paano kung madamay sila? Madamay sila sa gulo ko. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso habang iniisip ang mga bagay na iyon.
Apat na taon na ang lumipas, bakit hindi pa rin nila ako tatantanan? Ginawa ko na ang lahat ng gusto nila. Ang lumayo. Lumayo na ako, sana naman ay tigilan na nila ako. Gusto kong mamuhay ng payapa.
Kung ang kapalit nun na hindi na makilala ni Somi ang tatay niya ay gagawin ko para tigilan na nila ako at para rin sa kaniyang kaligtasan.
Nagsilandasan ang mga luha ko na mabilis kong pinahid iyon. Ayaw ko ng umiyak, ayaw ko ng maging mahina. Hindi matutuwa si Somi kung iiyak muli ako.
Bagaman malakas pa rin ang ulan, paminsan-minsan ay kumukulog ngunit hindi naman kasing lakas. Nagpapasalamat ako dahil agad nakatulog si Somi dahil paniguradong matatakot siya sa kulog at kidlat.
Kinabukasan pagpasok ko ng trabaho ay sinabi ko rin kay Chelsea ang nangyari kung bakit ako nagmamadaling umuwi. Kahit na busy ako sa trabaho ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nagpadala ng bulaklak sa akin kagabi.
Ngunit wala naman akong ibang nararamdaman kaninang umagang nakamasid sa akin. Sana lang talaga hindi na maulit iyon.
Buong hapon sa trabaho ay wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Sakto alas 7 ay isa isang nagpaalam nagpaalam ang mga kasama.
Nang masarado na ang shop ay nag-abang ulit ako ng taxi. Gaya ng nakasanayan ay sinundo ko na rin si Somi. Ngunit tulog na ito, sabi ni ate Marites baka raw napagod.
Nang makarating sa bahay ay bigla ulit akong nanlamig nang makita ang bulakbalak. Katulad kagabi, ganun rin.
Sa takot ko ay hindi na ako nag atubiling binasa pa at itinapon nalang iyon sa basurahan. Nagmadali akong pumasok sa bahay habang buhat ang tulog na si Somi.
Habang naliligo ay hindi mawala-wala sa isip ko iyon. Natatakot na ako. Sa tuwing tinitingnan ko ang anak ko ay mas lalo akong natatakot.
Ilang gabi at araw ganun ang nangyayari. Palaging may nadadatnan akong bulaklak sa labas ng bahay.
Kinaumagahan ay busy ang lahat dahil may nag-order ng bulaklak para sa kasal. Ang iba naman para sa special ocassion.
"Nakakapagod talaga kapag maraming nag-oorder sa atin." sabi ni Bea. Ang isa sa mga empleyado. Nag-order din ako ng pizza para sakanila, para sa munting celebration.
"Thank you dito maam."
"Wala iyon." tugon ko rito.
"Ate Ros." napaangat ako nang tingin nang pumasok si Chelsea sa opsina ko at may inilapag na maliit na card.
"Ano ito?" nagtatakang tanong ko rito.
"Invitiation po ate, may special costumer po kasi tayo. Nagustuhan ang mga bulaklak natin. Gusto ka raw po niyang mameet."

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...