Rosalie
Hindi akong nagkakamaling siya iyon. Siguarado ako at hindi ako namamalikmata lang. Mabilis akong sumakay ng taxi at hindi na nilingon pa.
"Manong, tara na po."
Nakahinga lang ako ng maluwag nang paandarin na ni Manong Driver ang taxi at umalis na sa lugar iyon.
"Mama, okay ka lang po?" tanong ni Somi nang maka-uwi na kami. Napansin niya na rin ang pagiging balisa ko.
"Ayos lang si Mama, sige na magbihis ka na."
"Okay po." tugon nito ngunit sinuri niya pa ako bago pumunta na ng kwarto at maligayang binuksan ang mga librong pinamili.
Hindi pa ako handa. Hindi pa akong handang harapin siya. Alam kong may karapatan siyang makilala ang bata, hindi ko naman ipagkakait sa kaniya iyon ngunit wala pa akong lakas ng loob harapin ang lahat lalo na siya.
Buong araw yun palagi ang laman ng utak ko, minsan ay napapraning na ako dahil kapag may naririnig akong dumadaan na kotse o himuhinto ay akala ko siya na at sinundan ako.
Alam kong nakita niya ako. Ngunit may sa puso kong masaya sa kaniya malamang maayos na ang kalagayan niya. Hindi ko mapigilan ang mag-balik tanaw.
Kamusta na kaya si– agad akong napatigil dahil doon. Hindi ko na dapat ito iniisip. Baka nag-oover react lang ako, imposible kayang naalala niya ulit ako?
Nakokonsensya ako dahil napapansin iyon ni Somi at nag-alala siya. Mas pinili ko na lang na isawalang bahala iyon. Malakas ang kutob kong nagkataon lang. Nagkataon lang na nakita ko siya.
Kinaumagahan ay naghanda na rin ako upang pumasok sa trabaho.
"Sasama ka ba kay Mama, nak o kay ninang ka? " tanong ko kay Somi habang binibihisan ko ito.
"Uhmm, kay ninang na lang po, mama" tumango ako bilang tugon. Madalang lang itong sumasama sa akin sa trabaho dahil ang lagi niyang sinasabi ay baka nakakaistorbo raw ako sa kaniya.
"Ninang!" masayang ani nito nang makarating kami sa apartment ni ate Marites. Nanggigil naman itong binuhat ni ate.
"Hmm, bango bango ng baby ko." si ate habang hinalik-halikan si Somi.
"Mauna na ako, Ate." paalam ko rito.
"Sige, Ros. Ingat ka ah. "
"Goodmorning, Maam."
"Goodmorning din sainyo." nakangiting binalingan ko ang mga empleyado.
Masyadong busy ang lahat dahil sinabi ni Chelsea na may sunod-sunod na VIP costumer raw ang nag-order ng isang dosena ng rose at tullips para gagamitin sa kasal at ang tullips naman ay para naman daw sa engagement.
"Ang isa naman ate, ay hindi sinabi ang kaniyang pangalan. Exclusive lang hindi man lang nagpakilala." sabi ni Chelsea nang pumasok ito sa mini office ko. Habang lumalag ang shop ay nadadagdagan naman ang mga tao.
Si Chelsea na ngayon ang secretary ko. Siya rin kasi ang unang naging emplyado noong sa akin na ipinagkatiwala ni Seane ang shop.
"Wala bang iniwan dito kahit card man lang?"
"Meron, ito oh."
Hindi naman ito bago sa akin, dahil madalas ay ganito may iniiwan lang na card tapos may signature lang ng nag-order.
Sa huli ay dinampot ko ang cellphone kong tunog ng tunog. Ilang beses ng may tumawag na hindi ko nasasagot dahil sa kabusyhan. Sunod-sunod rin kasi ang bumiling mga costumer at dumating pa ang bagong stock ng poppy, rose at tullips.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romansa(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...