CHAPTER 13 - Roses

1.7K 50 2
                                    

Rosalie

Sa bawat pag-sinag ng araw, sa bawat paggising ko sa umaga ay lagi akong nagtataka. Bakit ang dami kong tanong. Mga katanugan na nasa isipan ko na alam ko naman ang kasagutan ngunit ayaw kong sagutin.

Katulad na lamang sa katanungang ito, gaano nga ba katatag ang pagkakaibigan ng dalawang tao?

Lahat ba ng kaibigan natin ay laging na sa tabi natin? Lahat ba sila ay kakampi natin? lahat ba ng kaibigan natin ay nauunawaan tayo?

Subalit habang tumatagal ay napapagtanto ko ang realidad.

"Imbitado kagabi si Mayor Clemente kasama niya si Camille, hindi ba kayo nagkita?" tanong ni nanay. Tinulungan ko siya ngayon sa pag-lilinis sa library dito sa mansiyon, nag-aayos din kami ng mga libro.

Nakakaenganyo mag-ayos dahil marami akong natutuklasang ibat-ibang klaseng aklat. Mayroong tungkol sa matematika, science at iba-iba pa.

Nakakalungkot dahil unang beses naming maghiwalay ni Devie, sinamahan niya kasi ang kaniyang tatay sa rancho at saka kakatapos lang din namin mag linis sa hardin. Kaunti lang din naman ang mga dahon nag kalat kaya madali lang kami natapos.

"Nagkita din naman kami ni Camille kagabi, nakakalungkot lang kasi sandali lang" pinakita ko kay nanay ang kwintas na bigay sa akin ni Camille.

"Ito nay oh, bigay niya sa akin. Simbolo ng pagkakaibigan namin"

"Ang ganda anak, kaya kung ako sayo huwag mong sirain ang pagkakaibigan niyo ni Camille. Sa panahon ngayon ay mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan"

Tama si nanay, mahirap makahanap ng totoong kaibigan. Totoong kaibigang katulad nina Camille at Devie. Kahit na kaunting panahon ang samahan namin ni Devie masasabi ko ay naging totoo siya sa akin.

Nakikita ko iyon kung paano siya mag-alala sa akin noong may sakit ako at kung paano niya rin ako ipagtanggol kay Lesley.

Pagkatapos naming mag-linis ay pinuntahan ko ka-agad si Devie sa rancho. Kapag mga ganitong oras ay wala na masyadong trabaho sina nanay.

Nag-aantay lang sila kapag ng alas sais ng gabi para paghandaan ang dalawa, sina sir Austin at Connor. Minsan naman ay nasasayang lang din dahil palagi naman silang wala.

Wala rin dito sina maam Esmeradla at sir Dulscisimo, pagkatapos ng party ay lumuwag agad sila ng Maynila, kasama ang bunsong anak na si Lylia.

"Devie!" tawag ko rito nang matanaw ko siya sa rancho. Nang makita niya ako ay kinawayan niya agad ako.

Ngunit natigilan ako nang matanaw ko rin si sir Austin na nangangabyo. Napatitig ako sa kaniya at namangha dahil sa galing niyang mangabayo.

Basang basa ang kaniyang buhok at wala itong damit pang itaas, nakita ko kung gaano katipuno ang kaniyang katawan at paano mag flex ang muscle niya sa tuwing kakalabitin ang lubid para mabilis na tumakbo ang kabayo.

"Hala, natulala kay sir Austin"

Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Devie sa tabi ko. Hindi ko na namalayan ang paglapit niya dahil nabaling ang atensiyon ko sa nangangabayong si sir Austin.

"Uy, h-hindi ah" tanggi ko kahit halata naman.

"Sus, itatanggi pa halata naman, pero tingnan mo ang gwapo ni sir noh? Ang ganda ng katawan, kaya hindi na ako mag-taka bakit ang daming patay na patay sakaniya"

"Patay na patay?" takang tanong ko.

"Oo! Nakita mo ba yung model kagabi si Natasha? Ang sabi-sabi isa daw yun sa mga ex-girlfriend ni sir Austin"

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon