Rosalie
"Nay, namimiss na po kita" Umupo ako sa puntod ni nanay at sinindihan ang kandila na nakapatong sa kaniyang lapida. Inilapag ko naman ang dala kong bulaklak.
Lumipas ang tatlong buwan ay akala ko mawawalan narin ng saysay ang buhay ko ngunit nagkamali ako.
Pagkalipas ng ilang araw pagkatapos ng libing ni nanay ay gaya nung nakaraan parang wala pa rin ako sa sarili. Halos gabi-gabi ay hindi na ako makatulog dahil sa kaka-iyak.
Hindi na ako nakakasama ni Devie sa pagtatrabaho, walang kain at laging tulala. Sa tuwing gabi ay yakap-yakap ko naman ang litrato ni nanay at ang kaniyang mga damit.
Ngunit kahit na ganun ang ay hindi mawala wala sa tabi ko si Devie, hindi niya ako iniwan. Ngunit kahit na may pinagdaanan ako ay pinipilit ko pa rin ang sarili ko magtrabaho para mabaling ang atensiyon ko at malimutan ang sakit ng nararamdaman.
Alam kong nag-alala na rin ang mga kasama ko, sina Aling Celly, aling Hilda at mas lalo na si Devie. Nang araw ding iyon ay umuwi si ma'am Esmeralda. Hindi ko na rin masyadong nakikita si Lylia, ang sabi ni Devie pagkatapos ng birthday niya ay nagbakasyon daw ito kasama si Harvey kaya wala silang alam sa nangyari sa akin.
"S-sorry p-po ma'am" sabi ko rito nang isang araw ay pinatawag niya ako sa kaniyang opisina dito sa mansiyon. Nakayuko lang ako sa harap niya at hindi siya makatingin ng deretso sa mata.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya nagugulat akong tumingala sakaniya.
"It's okay, Rosalie" aniya at nginitian ako.
Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap namin ni ma'am Esmeralda ay sinabi niyang pag-aralin niya ako. Tutulungan ako para makakuha ng scholarship para sa sunod na taon kong pagkokolehiyo. Ngayon na ang huling taon ko sa highschool, sayang naman kung hindi ko tatapusin.
"Malapit na ang pasukan, Rosalie. Ano bang plano mong kurso?" tanong ni Devie.
"Hindi ko pa alam Devie eh. Sabi ni ma'am Esmerelda ay tutulungan niya ako para sa scholarship ko" sabi ko rito.
"Talaga? Ako din, kinausap niya kasi si nanay at ang sabi siya na daw ang bahala sa scholarship ko sa pagkokolehiyo" natutuwang sabi nito sa akin, hindi ko naman maiwasang ngumiti, masaya para sa kaibigan.
"Eh ikaw, ano bang kurso ang kukunin mo?" tanong ko.
"Hindi ko pa din alam eh"
Hindi ko alam kung paano pasalamatan ng pasalamatan si ma'am Esmeralda. Malaki ang utang na loob ko sakaniya. Napakabuti niang tao niya dahil hindi niya kami pinagkaitan.
Kaming tatlo ako, si Devie at Lesley ay binigyan niya ng scholarship. Napakabuti talaga ng kaniyang puso, ang tanging hinihiling ko na sana ay dumami pa ang mga katulad nila para marami ring matulungan na nangangailangan.
Isang buwan na mula nang mawala si nanay. May sa akin na nangungulila ako. Minsay umiiyak ako sa gabi ngunit hindi na katulad noon ay palagi talaga.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti ko ding natatangap ang kapalaran ko.
"Masaya ako Rosalie na bumabalik ka na sa dati" puna sa akin ni Devie sa mga nagdaang mga araw.
"Maraming salamat sayo, Devie. Hindi mo ako iniwan" sinserong sabi ko rito.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari noong pagkatapos ng libing ni nanay. Kung paano ako umiyak sa bisig ni sir Austin. Hindi ko alam sa tuwing iniisip ko iyon ay lumalakas ang pintig ng puso ko. Para bang ang gaan sa pakiramdam ko, sobrang payapa ng nararamdaman ko kahit simpleng yakap lang iyon.
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...