CHAPTER 25 - Leave

2.1K 33 1
                                    

Rosalie

Nanghihina kong iminulat ang mga mata ko. Ngunit hindi ko pa man tuluyan iyon naidilat ay mabilis ang paglagay ng lalaki ng panyo sa aking bibig na dahilan ng pagkatahimik ko.

Diniin niya pa ito na sumasakit na ang bibig ko. Nalalasahan ko ang dugo na lumabas sa bibig ko dahil sa ilang beses na binigay nilang pagsikmura sa akin.

Sumasakit at nahihilo ako dahil sa amoy na lumalanghap sa ilong ko.

Masakit pa rin ang sikmura ko. Ang akala koy nanaginip ako ay totoo pala. Ang tanging naalala ko ay ang mabilis na pagtakbo ng van, wala na akong ideya kung saan ako dinala.

"Ang ayaw ko sa lahat ay ang maingay!" tanging narinig ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako dahil sa usok na nalalanghap ko at ingay ng mga iba't-ibang boses ng mga kalalakihan.

"Mag-aantay pa pala tayo ng limang araw nito bago natin makuha ang limang milyon?"

"Oo yun ang sabi ni boss, ibig sabihin pwede pa natin magalaw ang puta na yan?"

"Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gumawa ng ganito. Mga mayayaman nga naman"

"Magsitahimik nga kayo, hangga't walang sinasabi sa atin si boss, wala tayong gagawin"

Kahit na sumasakit ang ulo ko ay pilit kong idinidilat ang mga mata ko. Puno na rin ng pawis ang aking buong mukha.

Naramdaman kong nakatali pala ang mga kamay ko at paa ko kaya nahihirapan ako sa paggalaw. Nang ilibot ko ang aking paningin ay nasa abandonadong kwarto ako.

"T-tulong!"

Malaya akong nakakasigaw dahil walang takip na panyo ang aking bibig. Gusto kong sumigaw ng sumigaw na umaasang may makarinig sa akin.

Matinding pagod at Panghihina ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay mauubusan na rin ako ng boses.

"Gising na pala, puntahan mo nga!"

Rinig kong ani ng isa. Mabilis ang paglukob ng kaba ko nang marinig ang pagbukas ng pinto at tumambad sa akin ang lalaking medyo may kalakihan sa katawan. Naka itim na maskara rin ito.

"Hoy! Huwag kang maingay, baka hindi ka namin matansa, makikita mo"

Dinuro niya ako ng baril na ikinanginig ko sa takot bago lumabas at padabog na sinarado ang pintuan.

"Gago ka ba? Patulugin mo! Ayaw kong marinig ang pag-iingay ng babaeng yan!"

Muling bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang lalaki kanina.

"H-huwag.. " nanginginig na pagmamakaawa ko at pilit na umaatras. Muli niyang idinukot ang kaniyang baril at itinutok sa sentido ko. Hindi na ako makagalaw sa takot dahil doon.

Ramdam na ramdam ko ang malamig na bakal na tumatama sa aking sentido. Agad tinakpan ng lalaki ang bibig ko ng panyo. Naamoy ko ulit ang ibang amoy nun at unti-unti akong nanghihina at nawalan ng malay.

Nagising ako muli sa panghihina. Halos hondi ko na maidilat ang mga mata ko, kahit na sa pagbangon ay hindi ko na kaya.

Natatakot muli akong sumigaw dahil baka marinig pa nila ako at muling lagyan ng panyo at makatulog muli. Inilibot ko ang paningin ko at sinusubukang gumawa ng paraan paano tumakas.

Ilang tawanan at mura ang naririnig ko sa labas. May iilang bote ring nababasa, kinakagat ko ang labi ko sa tuwing nakakarinig ako ng putok ng baril upang pigilan ang mapasigaw dahil sa takot.

Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang kagat ang labi sa pagpipigil na paghikbi. Tanging takot ang lumulukob sa sistema ko.

Ilang beses na hiniling na sana panaginip lang ito at gisingin na ako. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin pagbalik ko.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon