Rosalie
"Nay?" inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maingay at nagpapanic na mga tao ang tanging nakikita ko.
Nakakapagtaka dahil nandito ako sa gitna ng kalsada ng palengke na ito. Nakita ko rin ang hawak-hawak ko na bayong na may laman na mga gulay ay nagkalat na sa tabi ko.
Mayroong nagtatakbuhan, napansin ko ang suot kong gusot-gusot naramdaman ko din ang hapdi sa aking siko.
Ngunit mayroong naka-agaw ng atensiyon ko. Malapit sa kinaroroonan ko ay maraming taong nagkakagulo doon.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" sabi ng isang babae na tumatakbo papunta sa dagat ng mga tao.
"A-ano pong nangyari?"
Sa halip ay para akong hangin na hindi niya nakita at nilagpasan lamang ako. Marami ding sasakyan ang nakahinto.
"Kawawa naman yung babae" rinig kong sabi nang iilan. Kahit nanghihina ay sinikap ko pa ring tumayo.
Kumunot ang aking noo nang maramdamang nubunot lahat ng aking ngipin. Unti-unti iyong natanggal ng paisa-isa.
Anong nangyayari?! Ngunit nisawalang bahala ko lamang iyon dahil mas napupukaw ng aking atensiyon ang pinalilibutan ng mga tao.
Sa hindi malamang dahilan ay parang may nagudyok sa akin na lapitan ang mga nagkakagulo.
Sapagkat ay ganon na lamang ang panlalamig ng aking buong pagkatao nang makita kung ano ang pingkakaguluhan nila.
Parang may sumaksak sa dibdib ko na pinakamatalim na balisong. Nag-siunahang tumulo ang aking luha.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, gusto kong mag-wala. Gusto kong sumigaw dahil sa hindi pagkatanggap sa nangyari. Para na ata akong hihimatayin.
Nakahandusay ang katawan ni nanay sa sahig na naliligo ng sariling dugo. Hindi ko siya kayang makitang ganon. Para na rin akong pinapatay.
Sinubukan kong lumapit ngunit nahihirapan ako dahil sa mga taong nag-kalagulo.
"Nay!" sigaw ko, halos itulak ko na ang mga tao upang tuluyang makalapit sa nanay kong malamig na ang katawan.
"Ikaw ba ang anak niya, miss?"
Sa halip na sagutin ay tila nawawala na ako sa sarili ko at parang wala ng naririnig sa paligid.
"Padaanin niyo ako! Nanay ko siya!" naghalo halo na ang emosyong lumulukob sa akin. Ngunit mas nangingibabaw ang sakit.
"Nay!" agad kong nilapitan ang nanay kong nakahandusay sa sahig.
"N-nay, g-gumising ka" halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang pag-iyak, nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa luha kong nag-uumapaw.
"I-m sorry, hindi ko sinasadya.."
Napalingon ako sa babaeng umiiyak sa tabi ko. Kilala ko siya ngunit hindi ko alam ang pangalan niya at malabo din ang kaniyang mga mukha.
Kaya hindi ko naaaninag ang kabuuan ng kaniyang mukha.
"B-bakit..?" garalgal na aking boses.
"A-ako ang nakapatay sa nanay mo.."
Umiling ako namg umiling sa harap niya tila hindi makapaniwala.
"Hindi..."
"Hindi!" sigaw ko at agad bumangon.
"Anak, ayos ka lang?" Agad akong napayakap kay nanay nang mapagtantong panaginip lang ang lahat.
"Nay, huwag niyo po akong i-iwan" pumiyok ang aking boses at bigla na lamang akong napaiyak.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...