Rosalie
5 Years Later
"Ms. Fabregas, pwede mo bang dalhin ito sa opisina ni Mr. Lazaro?" marahang tumango ako kay Ma'am Gina habang tinatanggap ang folder na ibinigay niya.
"Mga anong oras po ba?" tanong ko.
"Mga ala-una na, kasi nasa meeting pa siya nun, pero kung hindi mo siya maabutan. Iwan mo na lang sa secretaty niya."
"Sige po."
"Thank You."
Limang taon, limang taon na ang nakalipas. Malaki ang pagpapasalamat ko kay ma'am Esmeralda kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko mararating ang trabaho ko ngayon.
Pagka-graduate ko nang college ay agad kaming natanggap ni Devie at Lesley sa kompanya ng mga Lazaro rito sa Maynila.
Limang taon na rin mula ng kalimutan ko ang nararamdaman ko. Sa loob ng limang taon marami ang nangyari sa buhay ko, marami ang nag-bago.
Ngunit ang pagkakaibigan namin ni Camille ay masasabi kong mas tumatag. Gayong parehas na kaming nandito sa Maynila, Masaya ako para sa kaniya dahil masaya siya ngayon sa buhay niya.
Masaya na sila ngayon dalawa, hindi ko na kailangan ipilit ang nararamdaman ko. Siguro may tao pa para sa akin at hindi si Austin iyon.
"Ros!" napalingon ako sa papalapit na si Devie. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kaniya dahil sa suot niyang business attire na mas lalong nagpapalitaw sa kaniyang ganda.
"Halika na, lunch break na. Hinihintay na tayo ni Lesley"
"Pupunta pa ako sa opisina ni Mr. Lazaro, Dev eh. Ihahatid ko pa itong papeles para pirmahan niya"
Tiningnan niya ako na para bang nag-alala. Naalala ko noon sa tuwing nababanggit ko ang pangalan niya ay agad niya akong inaasar pero ngayon, hindi na.
"Ganun ba?" tumatagal pa ang tingin nito sa akin. Ngumiti ako sa harap niya upang hindi na mag-alala.
"Dev, alam mong matagal na iyon. Matagal ko ng kinalimutan ang lahat ng iyon at masaya ako para sakanila ni Camille"
"Nag-alala lang ako" aniya.
"Ayos lang ako, Dev. Huwag ka ng mag-alala. Sa tagal ba naman, naka-move on na ako"
"Sabi mo yan ah, o siya sige. Sumunod ka na lang" wika nito bago umalis.
Mabilis kong inayos ang mga papel na nagkalat sa mesa ko. Nilinis ko rin ang mga kalat doon. Pagkatapos ay dinampot ang folder na bigay ni ma'am Gina.
Pinindot ko ang 10th floor kung saan ang saan ang kaniyang buong opisina. Napahawak nang tumunog ang elevator na hudyat nasa 10th floor na ako ay napahawak ako sa aking dibdib na kumalabog ng husto.
Kalmahan mo lang, Rosalie.
Huminga ako ng malalim at marahang binuksan ang sliding door. Nang nasa maindoor na ay kumatok muna ako.
"Come in"
Mas lalong kumalabog ng husto ang puso ko nang marinig ang baritonong boses niya.
Akala ko ba nasa meeting siya ngayong oras?
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nang sulyapan ko ang kaniyang mesa ay walang tao roon.
Ngayon ko lang siya ulit nakita mula nang naging sila ni Camille. Simula noon nag-college kami ni Devie ay sa Maynila na kami pina-aral ni ma'am Esmeralda ang huling rinig ko galing kay Camille ay pinuntahan niya raw ang kapatid na nasa America.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...