Rosalie
Masyadong mapaglaro ang tadhana. May mga bagay na nangyayari na hindi mo inaasahan. Kung saan handa ka na, hindi naman nangyayari, kung saan hindi ka handa saka naman nangyayari.
Pikit mata kong tinanggap ang malakas na pagdapo ng palad ng aking matalik na kaibigan. Kinagat ko ang labi ko upang pakalmahin ang sarili sa paghikbi.
"Traydor ka!"
Ang luha kong nagbabadya sa aking pisngi ay walang tigil sa pagbuhos. Anong karapatan kong masaktan? Noong una palang ay alam ko na pero sumubok pa rin ako.
"P-patawarin mo ako, Camille"
Halos hindi ko maibuka ng maayos ang labi ko dahil sa pagaralgal. Para akong isang baso na unti-unting nababasag.
"H-hindi ko sinasadya-"
Muli kong tinanggap ang pangalawang iginawad niyang sampal, mas malakas iyon kumpara sa una. Ang sampal na iyon ay nagpagising sa akin sa isang ilusyon, samapal iyon ng katotohanan.
"Anong klase kang kaibigan, Rosalie?"
Ang malambing na boses ay tila naging yelo sa sobrang lamig. Ang katanungang iyon ay parang matalim na balisong na sumaksak sa puso ko.
Ang kaniyang mga mata ay puno rin ng luha ngunit malamig lang na tingin ang kaniyang ibinigay sa akin.
"S-sinubukan ko.. S-sinubukan kong pigilan.."
Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang makapagsalita gayung halos hindi na ako maka-hinga.
"At ano? hindi ka nagtagumpay?! sinubukan mo nga ba talaga o pinagsamantalahan mo ang sitwasyon niya?!"
"C-Camille..."
Sarkastiko itong tumawa sa harap ko at tinapunan ako ng tingin na para bang isa akong nakakadiring bagay na nakita niya.
Hindi ko siya masisi kung bakit ganun ang magiging tingin niya sa akin. Siguro nga nakakadiri ako dahil nagpadala ako sa damdamin ko. Ang bagay na iyon ay nakatatak sa akin bilang isang malaking pagkakamali ko.
"Hindi ako makapaniwalang nagawa mo akong saksakin patalikod, Rosalie. Kaibigan kita! May pangako tayo pero sinira mo dahil sa kalandian mo!"
"C-camille.. H-hindi ko sinasadya.. patawarin mo ako"
Hindi ko alam anong gagawin ko. Gusto kong hawakan ang kamay niya ngunit hindi ko magawa-gawa. Alam kong nandidiri siya sa akin.
"Anong karapatan mong sabihin yan?! Ang ginawa mo sa akin ay hindi katawad-tawad! Sinira mo ang pagkakaibigan natin! fiancee ko ang nilandi mo, Rosalie! fiancee ko si Austin! Naisip mo ba yan?! Fiancee ko siya st magiging asawa na!" malakas na sigaw niya sa akin.
Binigyan niyang diin ang huling binanggit para bang ang salitang iyon ang magpapagising ng kahibangan ng kahibangan ko.
"Masyado ka na bang nangangati at pati fiancee ko ay inaangkin mo na?!"
"Camille, h-hindi.." Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa luha. Ilang beses akong umiling at pilit na ipaliwanag sa kaniya ang lahat.
May ibang napapadaan at napapalingon sa amin na papasok sa ospital. Ang tanging malamig lang na hangin ay yumakap sa akin para bang pinapatahan ako.
"P-patawarin mo ako, Camille. M-minahal ko si Austin.." ang tanging lumabas sa bibig ko. Wala akong ibang masabi dahil yun ang totoo. Hinayaan kong madala ako sa kahibangang nararamdamang ito.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Patawarin? Gaano kakapal ang mukha mo para sabihin yan?! Hindi kita kayang patawarin, Rosalie! ni hindi nga kita kayang tingnan ngayon! paano mo naaatim gawin na gawin iyon sa akin? Paaano mo naaatim ang kataksilang ginawa mo? Paano?! " Nanginginih na tanong niyang, puno ng poot at galit.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...