Rosalie
"S-somi.. "
"Mama! Nandito na po ako!"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi na ako nakakapag-isip ng kung ano dahil sa hindi inaasahang pagkikita ngayong gabi.
Hindi pa talaga ako handa para sa lahat ng ito. Alam kong mangyayari rin ang lahat ng ito pero hindi inaakalang ngayon mismo sa hindi ko inaasahang panahon.
Napalingon din si Austin sa pinanggalingan ng boses ni Somi. Mula sa kaniyang mata ay naroon ang
litong ekspresyon. Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman.Para akong mahihimatay at hindi ba makahinga. Kung bakit naman kasi ngayon pa.
"Mama! Nandito na po ako!"
Dahan dahan akong lumakad upang salunungin sana ang anak ko. Ngunit bago ko pa ito napuntahan ay lumitaw na ito sa kusina.
"Mama, bakit hindi niyo po ako sinundo kay Ninang?" may himig na pagtatampo sa boses ng anak ko. Kahit na nangangatong ang mga binti ko ay masuyo ko itong nilapitan.
"S-sorry anak, may.. " hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin.
"May b-bisita lang si mama-"
"Mama?"
Malamig na boses ang sumalubong sa dapat na sasabihin ko. Kaya pati si Somi ay napalingon rin sakaniyang gawi at bahagyang natakot at nagtaka.
"Mama, sino po siya?" bulong nito sa akin.
Siya ang papa mo.
Mga katagang gusto kong sabihin ngunit pakiramdam ko ay hindi maaari. Maraming gumugulo sa isip ko. Maraming mga paano.
Paano kung hindi maniwala sa Austin? Paano kung itaboy niya kami ni Somi? Ayaw kong masaktan ang anak ko. Mas mabuti ako na lang, huwag lang si Somi.
"Mama siya po ba ang papa ko?"
Sa tanong ni Somi ay parang sinasaksak ng libo-libong karayom ang puso ko. Ang pag-asa sa mga tinig niya, nandoon ang mga pangungulila ng isang anak sa kaniyang ama.
Nangilid ang luha sa aking mata at kinagat ang pang-ibabang labi upang magpigil ng iyak.
"Rosalie.. " boses ni Austin.
Hindi ko siya kayang lingunin, tanging na kay Somi lang ang atensiyon ko. Umupo ako upang magpantay kaming dalawa.
Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa lalaking nasa likod ko. Hindi ko alam kung anong reaksiyon ang pinapakita ni Austin sa anak ko. Basta ang tanging nakikita ko lang ngayon ay si Somi. Ang kaniyang pangungulila.
"Mama.. "
Kahit na kaharap ko si Somi ay wala akong masabi, hindi ko alam. Naguguluhan ako ng matindi.
Muling nagbitaw ito ng iilang mura.
Nang bahagya ko siyang lingunin ay nandun ang panunuri sa kaniyang mga mata. Pero mayroong isa na hindi ko inaasahang makikita ko sakaniya ngayon.
Ang kasiyahan sa mata niya.
"Damn it.." mahinang mura nito at bahagyang umiling para bang may narealize na isang bagay.
"Mama.. " sambit ni Somi.
"If you don't want to talk me, Rosalie. Then fine." malamig na sambit nito at muling dumapo ang kaniyang tingin kay Somi na pilit nagtatago sa likod ko.
Lumapit ito sa amin at umupo rin na. Halos magpantay na kami. Nasa likod ko siya ngayon. Ramdam ko ang init na nanggaling hubad niyang katawan.
Si Somi naman ay pilit nagtatago sa akin. Halos manindig ang balahibo ko dahil ramdam na ramdam ko mula sa gilid ng aking leeg ang kaniyang mabibigat na paghinga.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...