Rosalie
May mga bagay na kung saan mas lalo mong iniingatan siya ring' ang kaniyang pagkasira. Bakit kaya ganun? Mapapatanong ka na lang sa sarili mo.
May mga bagay naman kahit hindi mo iniingatan, hindi naman nasisira. Napagtanto kong may kabaliktaran nga ang mundo, hindi lahat pantay. Mayroong kakaiba, mayroon ding naiiba.
Katulad na lamang sa pag-ibig. May taong mahal mo, ngunit iba naman ang kanilang mahal. May iba namang nasusuklian din ang kanilang pagmamahal.
Sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha habang mahigpit ang kaniyang yakap.
Gusto kong kumawala kaya lang masyado akong nanghihina para magawa iyon. Ramdam ko ang kaniyang mabigat na buntong hininga.
Halos hindi ko na rin marinig ang paligid dahil ukyupado ako sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
"B-bitiwan mo ako" ang tanging sambit ko. Ngunit mas lalo lang himugpit ang yakap.
"Please, b-bitiwan mo ako, Austin.."
Sa mga oras na ito ay ang tanging hinihiling ko lang ay bitiwan niya ako, gustong gusto kong kumawala sa mainit na yakap niya.
Hindi ko ata maatim na damhin ito sa tuwing inisip kong may ibang masasaktan. Una pa lang, tanggap ko na. Ako lang ang naalala niya, ako ang nasa isip niya. Ngunit hindi ako ang nasa puso niya.
Yan dapat ang paulit-ulit na ilagay ko sa utak ko.
Ayaw ko man gawin, ngunit kailangan. Sinubukan ko ang aking lakas para iwakli ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko.
"Bitiwan mo ako sabi!"
Nanginginig ang boses ko habang isinagaw ko ang mga katagang iyon. Ramdam kong natigilan siya at bahagyang nagulat.
Nandoon pa rin ang higpit, para bang natatakot siya kapag bitawan ako. Sa paraan ng yakap niya kahit na mahigpit, nandoon pa rin ang ingat.
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, bitawan mo ako!"
Bahagyang lumuwang ng kaunti, ginamit ko ang paraan na iyon para makawala. Buong lakas kong iwinakli ang mga braso niya at nang maharap ko siya ay malakas ko siyang itinulak.
Hindi man lang siya natinag sa ginawa ko. Hindi ko siya matingnan sa mata, sa tuwing dumadapo ang paningin ko doon ay parang sinasakal ang puso ko sa sobrang sakit.
Pagod, pag-sisisi, pagkalito at sakit ang namumuo sa kaniyang mga mata. Nasasaktan ako dahil doon, pero kailangan ko siyang itulak palayo.
Marahan lang siyang nakatingin sa akin, para bang sukong suko na sa lahat. Yung tipong kaya niyang tanggapin lahat ng galit na pinapakita ko.
"Rosalie.." marahang aniya at umaktong lalapitan ako.
"Huwag na 'wag mo akong lalapitan!"
Kahit na nangingilid ang mga luha ko ay pinakita ko sa kaniya ang galit na ekspresiyon.
"P-please.. calm down, let's talk about this.. don't get mad.." aniya na halos tunog pagmamakaawa. Nasasaktan ako dahil nagkakaganito siya, pumikit ako ng mariin para pigilan ang sakit na emosyong nararamdaman.
"P-please–"
"Tama na Austin!" putol ko sasabihin niya.
"Wife.. please"
Kahit na parang baliw ang puso ko dahil kahit na kumikirot sa sakit at nagawa niya pang sumaya. Binalewala ko ang nararamdamang iyon at tiningnan siya ng masama.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romansa(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...