CHAPTER 33 - Marry

2.6K 41 2
                                    

Rosalie

"Let's go back to Manila."

Hindi ako sumagot, tanging mabibigat na hinga lang niya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa gantong posisyon.

Nasalikod ko siya habang nakasandal sakaniyang dibdib. Nakaupo kami pareho sa sofa. Masyado akong nanghihina sa mga nalaman ko.

Higit na mas masakit. Napagtanto kong parehas lang kami. Nasaktan ko rin siya. Pareho kami ng lalaking minahal.

Sana sinabi na lang sa akin ni Camille ang lahat para hindi na aabot sa puntong ganito. Ang hindi ko lang matanggap ay yung dinamay pa nila si tatay.

"Bubuo tayo ng pamilya, together with our little princess. Let's go back to Manila, Rosalie." ulit niya. Umiling ako.

"Dito na ako nakatira, Austin. Ito ang bahay namin ni Somi." sagot ko. Hindi na ito sumagot pa. Mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

Pakiramdam ko ay malalagutan ako nang hininga. Halos luluwa ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng pintig niya.

Ilang minuto ang katahimikan ang namayani sa amin. Akmang tatayo na sana ako ngunit nahawakan niya agad ako sa braso dahilang nagkabalik ako sa dating pwesto ko.

"Let's stay here for a while please." ani niya sa napapaos na boses. Pumikit ako ng mariin upang gisingin ang sarili.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-sisink in sa utak ko na nandito si Austin, na alam na niya ang katotohanan, na nagkita na sila ni Somi.

Hindi naman ganito ang plano ko.

Bumaon ang mukha niya sa leeg ko. Napasinghap naman ako sa ginawa niya.

"I'll marry you." aniya.

"Austin.."

Wala na akong maisagot pa sa sinabi niya. Kasal? Hindi ba't masyado siyang nagmamadali? Kakakita pa lang namin, kakakilala pa lang niya kay Somi.

"I'm so happy. I've never been this happy in my entire life." bulong nito sa aking leeg.

Ako rin.

"I'm sorry.." kumalas ito ng yakap at hinarap ako. Tiningnan niya ako sa mata.

"I'm sorry. I'm sorry I wasn't here. Hindi kita nadamayan noong mga panahong kailangan mo ng kasama."

Wala pa rin akong lakas na loob sabihin kay Austin ang lahat ang nangyari sa akin bago ako napadpad sa lugar na ito. Alam kong marami siyang katanungan pero hindi na siya nagpumilit pang tanungin ako.

"Matagal na iyon, Austin. Alam kong nahihirapan ka din ng mga panahong iyon."

"It's my fault. Kung hindi ko lang tinuloy ang plano, if only I have been brave enough to fight you. Kung pinursue lang kita—"

"Wag na natin balikan ang nakaraan, Austin. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo, parehas lang tayong nagkamali." pagputol ko sasabihin niya. Ayaw kong sisihin niya ang sarili dahil lang sa nangyari.

May kasalanan din ako at aminado ako roon. Kahit pa ano ang ginawa ni Camille. Hindi lang naman ako ang nasaktan, pati rin siya.

"I'm sorry.. " bulong nito. Mas lalo lang niya isiniksik ang sarili sa leeg ko.

Kinaumagahan ay wala na akong idea kung anong oras na akong nakatulog. Nagising na lang ako na nasa kwarto na. Wala na rin si Somi.

"Goodmorning sa maganda kong mama!" nang makita ako ni Somi na kagagaling lang sa kusina ay mabilis itong tumakbo papalapit sa akin.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon