Rosalie
"Kael, t-tulungan mo ako, i-ilayo mo ako sakanila, p-parang awa m-mo na. Umalis na tayo... P-papatayin nila ako" Nanginginig ang mga boses ko na hinaharap si Kael. Hindi matigil tigil ang mga luha.
Malinaw pa sa mga mata ko ang mga hitsura ng mga lalaking humahabol sa akin at nagpuputok ng baril, ang malademonyong si Mayor Clemente.
"Huminahon ka, Rosalie"
"K-kael.. Nagmamakaawa ako.. "
Mabilis niya akong niyakap para kumalma. Natatakot ako dahil baka sinundan nila ako upang patayin.
Ang malamig na kalsada ay nanuot sa akin dahil sa punit kong damit at wala rin akong suot na anumang tsinelas. Hindi ko na inalintana iyon.
Ang tanging nasa isip ko lang ay lumayo sa mga lalaking iyon at kay Mayor Clemente. Ang mga putok ng baril ay hindi pa rin mawala-wala sa tenga ko.
"K-kael.. " halos lumuhod na ako sa harapan ni Kael para lang maka-alis sa lugar na ito. Sa tuwing nililingon ko kagubatang iyon ay bumalik-balik sa isipan ko ang kahayupang ginawa nila sa akin. Pati ang inosenteng si tatay ay kanilang dinamay.
"Rosalie, ano to? Namumutla ka, Tama ng baril?!" gulat na sambit nito sa akin nang makita ang binti kong dumurugo.
Hindi ko na siya masagot-sagot, nanginginig ako sa takot, wala akong ibang iniisip kundi ang lumayo. Lumayo sa mala-demonyong lugar na ito.
"Kael, t-tulungan mo ako... Ilayo mo ako, Ilayo mo ako sa lugar na ito.."
Lumingon lingon ito sa likod at puno ng pag-alala niya akong binalingan.
"Halika na, Rosalie.. Isasama kita"
Marahan niya akong inalalayan papunta sa truck na kaniyang bibabaan kanina. Hindi ko na maangat ang binti kong namamanhid kaya binuhat niya ako.
Mabilis niyang pinaharurot ang truck na sinakyan. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko, halo halong nararamdaman. Pagod, takot, sakit na pisikal at emosyon.
Dumidilim na ang paningin ko, hindi ko na rin naririnig ang mga sinasabi ni Kael. Hanggang sa tuluyan na ako bumigay ang tanging naalala ko ay pagtawag ni Kael sa pangalan ko ng paulit-ulit.
Nagising na lang ako nang maamoy ang amoy ng ospital. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nito, bumalik na naman ako sa lugar na ito.
Napatingin naman ako sa paa kong may benda na. Napalingon ako sa kakapasok lang na si Kael, may dala itong supot at lumapit sa akin.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito.
"Oo, s-salamat.." nanghihinang tugon ko sa kaniya, pakiramdam ko ay ngayon lang bumalik ang lakas kong nawala ng ilang araw.
Dalawang araw lang ang tinagal namin sa ospital. Kinwento sa akin ni Kael kung bakit wala siya sa Isla Verde. Nagtatrabaho ito bilang driver ng mga gulay rito sa probinsya na hinatid niya sa Poblacion Clement, kaya niya ako nakita.
Napagtanto kong dinala ako doon ng mga tauhan ni Mayor Clemente, nagpapasalamat ako sa panginoon at Kael dahil kung hindi siya dumating ay baka patay na ako kinabukasan. Hindi ko akailan magkikita pa muli kami.
Alam kong marami siyang katanungan sa akin tungkol sa lahat ng nangyari, pero mas pinili niyang manahimik. Hanggang ngayon ay hindi ko pa kayang sabihin iyon, nangingibabaw pa rin ang takot sa kalooban ko. Natatakot akong balikan ang lahat.
"Salamat Kael, salamat dahil tinulungan mo ako"
Ito na ang dalawang beses na ginawa niyang tulong sa akin. Noong una ay ang pagsagip s saamin ni Austin sa isla at ngayon. Malaki ang utang na loob ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...