Rosalie
"Rosalie!"
Kahit anong tawag niya pa sa akin ay hindi ko siya malingon-lingon. Nasasaktan ako, ngunit mas nangingibabaw ang inis ko sa sarili ko. Naiinis ako dahil nakaramdam ako ng paninibugho na hindi naman dapat.
Ang walang tigil na pagpatak ng aking mga luha ay marahas kong pinunasan. Ayaw kong nakikita niya akong umiiyak na naman. Masyadong mababaw ang dahilan na iyon. Hindi naman kasi sinasadya!
Nang marating ko ang bahay at akmang bubuksan ko ang pintuan naabutan ako ni Austin. Nahawakan niya pulsuhan ko at hinigit ako sa kaniya upang magka-harap kami.
"Please.. Listen to me, w-what you just saw is nothing. Aksidente lang iyon. Natumba siya and unexpectedly our lips met. I didn't kissed her, please believe me.."
Napapikit ako ng mariin. Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa simpleng paliwanag niya ay parang bumibigay ka-agad ako.
Ang lambing at rahan sa kaniyang boses na nahihimagan ng kaba na baka hindi ako maniwala sakaniya. Kung paano niya banggitin ang mga salitang iyon ay para bang isang babasaging kristal na sobrang rahan na natatakot siyang tuluyan mabasag at hindi ako maniwala.
Napagtanto kong wala naman siyang dapat ipaliwanag sa akin. Malinaw sa dalawang mata ko na akisdente iyon. Masyado lang ako nagpadala sa emosyon kong paninibugho at nang-aangkin.
"a-ayos lang.." ang tanging naitugon ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niyang nakakapanghina sa akin.
Nagpakawala siya ng sunod-sunod na mahihinang mura, saka ako binalingan. Pinagkatitigan para bang sinusuri niya ang nararamdaman ko. Kulang nalang halos pasukin niya ang isip ko para malaman kung ano ang nilalaman. Kung naniniwala ba ako sa mga eksplenasyon niya o patuloy ang paninibugho.
Para akong napapaso nang dumapo ang palad niya sa balikat ko at dahan dahan niyang dinausdos sa aking braso hanggang sa aking pulsuhan.
Hinigit niya ang bewang ko upang mapalapit sa kaniya. Muli ay umiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyang ginawa ko kanina.
Bigla bigla nalang akong umalis. Pero hindi ba't akala ng buong tao rito ay mag-asawa kami. Ngunit bakit patuloy na umaaligid pa rin si Ellen? Totoo kaya ang sinasabi ni Pearly tungkol sa kaniya.
Ayaw kong manghusga ng tao. Hindi naman sa sinasabi kong nagsisinungaling lang si Pearly, ngunit ang sa akin lang ay hindi ko muna siya huhusgahan hanggat hindi nakikita ng dalawang mata ko. Ang kanina ay malinaw na naman sa akin na hindi sinasadya iyon.
Katulad na lang nang nangyari sa amin ni Kael. Nasalo lang niya ako dahil muntikan akong matumba. Ngunit hindi naman ganun ka OA ang naging reaksiyon ni Austin, hindi katulad ko ay halos umiyak na ng dugo.
Natumba siya at sinubukan lang ni Austin na tulungan siya. Nawalan sila balanse at tumama ang kanilang mga labi. Sa tuwing iniisip ko iyon ay hindi maiwasan ang pag-kirot ng puso ko.
"Your lips is enough" bulong ni Austin kasabay ng kaniyang pagkagat-kagat sa aking tenga.
Pinilit ko ang sarili kong hindi magpadala sa mga pang-aakit niya. Pakiramdam ko ay napaka-dali ko lang makuha. Isang bulong, isang akap. Bumibigay ulit.
"Magpahinga ka na"
Hinawi ko ang ulo ko at braso niyang nakakapit sa bewang ko. Ang akala ko ay hindi niya ako papapakawalan, nagpasalamat akong tuluyan akong nakawala.
Tumawa ito sa naging reaksiyon ko. Hindi ko maiwasang pag-initan ng mukha. Baka iniisip niyang nagseselos pa ako!
"You look so cute when you're jealous. It makes my heart flutter. But I don't want to make you feel hurt, though" aniyang nakanguso. Sumunod siya sa akin sa kusina.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...