CHAPTER 34 - Untold

2K 38 4
                                    

Rosalie

"She's so cute.. How I wish I could carry her like this back then." napalingon ako kay Austin na seryosong nakatingin sa mga pictures ni Somi.

Naka-album ito lahat. Nilagay ko kasi ito sa album. Mula sa pag-silang kay Somi at hanggang lumaki na ito.

Lumingon ito sa akin at mataman akong tiningnan, kitang kita ko ang pinaghalong emosyon sa kaniyang mata. Pagsisi at pangungulila. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at bumaling sa album.

Hindi ko maiwasang malungkot para kay Austin. Choice ko rin naman talaga ang ilayo si Somi. Sadyang natatakot lang ako sa pwedeng mangyari. Nakulong ako sa takot at pangamba.

"Marami pa namang taon at oras.." tanging nasabi ko.

"Hmm." tugon nito at muling bumaling sa photo album.

Ngayon ko lang nakita ang kaniyang maligayang ngiti habang nakatingin sa mga litrato. Muling napalingon ako sakaniya nang makitang pinunasan niya ang kaniyang mata.

Umiiyak siya?

"Austin?"

"I'm sorry, I can't help it." tugon nito.

Parang may humaplos sa puso ko. Masaya ako, totoong masaya ako.

"She's so beautiful... Just like her mom." sabi nito at nilingon ako. Para akong aatakihin dahil sa sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko.

Kunh hindi lang ako naka-upo ay baka nangatong na ang mga tuhod ko at tuluyan na akong natumba sa sahig.

Naramdaman ko ang kaniyang mainit na palad. Hinawakan niya ang kamay ko sobrang higpit. Para bang natatakot siyang bitawan at tuluyan nang mawala.

"I'm sorry.."

Mataman ko siyang nilingon.

"I'm truly sorry, Rosalie. You've been through a lot because of me. Kung sana, hindi nangyari iyon, kung alam ko lang. Hindi ka sana maghirap sa lahat."

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Hindi ko inalis ang kamay kong hinahawakan niya.

"Matagal na panahon na iyon, Austin. Kung naghirap man ako,  dumating naman sa buhay ko si Somi. Oo, hindi madali sa una pero sa tuwing nakikita ko ang anak ko. Worth it lahat ng hirap na iyon. Siya ang naging buhay ko Austin. Siya ang lakas ko."

"I know. And now it's time. You are my life now, Rosalie. You and Somi are my home."

Mabilis na nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya at bahagya akong natigilan.

Ang kaniyang mainit na palad ay naramdaman ko sa aking nanlalamig na kamay. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay at dinala sa kaniyang labi. Pinatakan niya ng munting halik.

"Please, give a chance to prove to you myself."

Ang kaniyang mata ay puno ng emosyon na nakapaloob na hindi ko maiwasang pagtuonan ng pansin. Puno ng sinseridad.

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko nang nabanggit ang takot at pangamba ko. Ngunit kahit na baliktarin pa man ang mundo siya pa rin. Siya pa rin talaga.

Mariin akong pumikit at dahan-dahang tumango. Humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko. Mabilis niya akong dinala sakaniyang mainit na bisig.

Malakas masyado ang tibok ng puso ko. Gayun din ang sakaniya. Kung noo'y takot na takot akong mapalapit ng ganito kay Austin, dahil natatakot akong marinig niya ang lakas ng pintig ng puso ko. Ngayon ay hahayaan ko na.

Kumalas ito ng yakap at muling ibinaling ang tingin sa akin. Kahit na naghaharumentado na ako ay pinilit ko pa rin siyang tingnan sa mata.

"I'm happy. I'm literally happy, finally." nahihimigan ko ang kasiyahan sa kaniyang boses.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon