SIMULA

5K 105 21
                                    

Rosalie

Naalimpungatan ako dahil sa malamig na nararamdaman kong tumatama sa aking paa. Masakit ang buo kong katawan na tila kaybigat sa pakiramdam.

Nang idilat ko ang aking mata ay tumama sa akin ang sinag ng araw na napakahapdi sa balat at masakit sa mata.

Nang tuluyan nang bumalik sa ulirat ang pakiramdam ko ay nagulat ako. Pinilit ko ang sarili kong bumangon inilibot ang paningin sa paligid.

Nasa isla ba ako?

Basa ang kalahating damit na suot ko punong puno ng mga buhangin pati na rin ang aking mukha.

Walang katao tao sa paligid. Tanging alon ng dagat, maalat na hangin at mga ibon ang maiingay sa paligid. Ang asul na dagat at berdeng dahon ng mga puno ay humalo sa paligid.

Walang katao-tao. Kung ako lang ang napadpad dito ay hindi ko na alam kung paano pa ako makaka survive. Tuwing naiisip ko ang bagay na iyon ay naiiyak ako ngunit sa tuwing iginagala ko ang paningin ko sa paligid ay nakakalma ako sa magandang kulay asul na dagat.

Iba nga talaga ang epekto sa akin ng dagat. Ngunit hindi ako sanay na mamuhay sa tabing dagat. Lumaki man ako sa hirap ngunit sa aming probinsya ay malayo ang dagat.

May nakakaalam bang nawawala ako?

Kailangan kong gumawa ng paraan para maka-alis sa islang ito. Ngunit paano? Ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula.

Kung ipagpatuloy ko ang aking pag-iyak ay wala akong magagawa. Hindi ako uusad gayun man na nag-iisa lang ako dito.

Nangyari ito dahil sa engagement ng kaibigan ko sa barkong may-ari ng fiancé niya. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay may isang malaking alon na sumalubong sa barkong sinakyan namin. Yun lang ang naalala ko at nawalan na ako ng malay pagka-gising ko nandito na ako sa islang ito.

Ngunit kahit na ganoon ang nangyari masaya ako sa kaibigan ko dahil natupad na rin ang pangarap niya na ikakasal sa taong mahal niya. Masaya ako ngunit masakit sa parte ko dahil parehas kami ng taong minamahal. Nagmahal lang ako, alam kong walang mali doon. Mali lang ang taong minahal ko.

Matagal ko na siyang mahal. Noong nagtatrabaho pa ang nanay ko sakanila bilang kasambahay. Matagal na akong may paghanga sakaniya. Paghanga nga ba? Masyado ng matagal itong nararamdaman ko.

Ang sabi nila habang tumatagal itong nararamdamang ito ay pumupunta na ito sa tinatawag na pag-ibig.

Ngunit sa una pa lang ay alam ko na, ang mga katulad niya ang hindi para sa akin. Hindi ako ang babaeng nararapat sakaniya. Tanggap ko iyon at hindi na ako naghahangad pa ng sukli ng pag-ibig mula sakaniya. Sino ba naman ako? Ang katulad kong mas dukha pa sa daga ay hindi nababagay sa mga katulad nila.

Nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit na ganoon ay natatanaw ko pa rin siya. Kahit na malayo, alam kong hindi ko siya abot. Ang mga katulad ni Camille ang tanging para sakaniya, ang matalik kong kaibigan.

Matagal na kaming magkaibigan, noong doon pa ako sa probinsya. Palagi akong sinasama ni tatay sa kanilang mansiyon. Nagta-trabaho si tatay sa kanila bilang taga-pangalaga ng kanilang mga kabayo. 

Kahit na mahirap ay pinilit kong kinalimutan ang nararamdamang ito. Kaya siguro ako napadpad sa walang katao-taong islang ito upang tuluyan na ngang makalimot. Sinadya siguro ito ng tadhana para sa akin.

Ngunit problema pag-ibig lang naman iyon. Makakahanap pa rin naman ako ng taong magmamahal sa akin. Yung taong nakikita ang tunay na halaga ko. Huwag na nating pangarapin ang taong hindi para sa atin.

Napatingin ako sa pino at maputing buhangin nakadagdag ng init ng sinag ng araw. Ang asul na dagat ay kumikinang tila nang aakit sa akin para maligo.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon