Rosalie
"Ang sipag pala niyang asawa mo, Rosalie" ani ni Ellen. Naghagik-ikan naman ang mga kasama niya. Napansin ko ang paglingon sa akin ni Pearly.
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay lumulundag pa rin ang puso ko sa tuwing sinasabi nilang asawa ko si Austin. Aaminin ko man o hindi ay parang natutuwa ako.
"Oo nga, sana makapag-asawa rin ako tulad niya" sabi naman ni Lisa. Nasa palengke kami ngayon dahil tinutulungan ko si Pearly sa pagbebenta ng isda.
"Naku yan si Ellen, pa ganiyan-ganiyan lang yan pero parang may gusto ata yan kay kuya Austin" sabi ni Pearly nang umalis na sina Ellen at mga kasama niya.
"Parang hindi naman. Huwag muna tayong maghusga agad" sabi ko rito.
"Huwag ka lang makampamte ate, marami na yang inakit ditong may asawa na, lalo na yung mga mapepera. Sa kaso naman ni Kuya Austin, hindi naman siguro tayo bulag rito na gwapo nga si kuya" aniya at ibinulong sa akin.
"Nandiyan na sila!"
Napalingon ako sa bandang itinuro ni Pearly. Dumating na si Austin at mga kasama niya na may buhat-buhat na styro foam na box na ang laman niyon ay mga isda na may ice.
Halos mga kababaihan dito sa palengke ay napapalingon sa banda niya lalo pa't wala itong damit pang itaas. Kita kita ko ang kaniyang tribal tattoo sa kaniyang bandang dibdib.
"Ang kisig niya!"
"Ang gwapo!"
"Bago ba yan dito?"
Iilan iyon sa mga naririnig kong bulong ngunit may kalakasan naman sa mga kasamahan naming nagtitinda rin ng isda.
"Ate Rosalie, salubungin mo naman ang asawa mo! Pawis na pawis oh!"
Uminit ang pisngi ko dahil sa sigaw ni Pearly, natigilan naman ang mga babae kanina at napatingin sa banda ko. Ang iba ay nag-iwas ng tingin.
Sa buong araw ay tinulungan kami ni Austin mag-benta. Marami kaming nabentang isda marami ang dumayo sa aming pwesto na mamimili lalo na sa mga kababaihan.
"Magkano ito, kuya pogi?" tanong ng medyo bata may kasamang dalawang babae, naka-uniporme silang tatlo na pang highschool.
Minsan naman ay dumadayo sa pwesto namin si Ellen. Ilang beses itong pabalik-balik. Nung una ay mag-isa siya nang sumunod kasama na niya ang kaniyang mga kaibigan.
"Salamat dito, Austin ha" malambing na ani nito habang pinapakita ang supot na may lamang mga isda. Matamis itong ngumiti at kumaway kay Austin, animoy isa kaming anino ni Pearly.
Malambing ding nagpaalam ang mga kasama niya kay Austin. Napailing nalang ko, hindi naman talaga maiwasan na ganun ang ibang babae lalo pa't aminado akong magandang lalaki nga talaga si Austin.
"Kanina ka pa tahimik, ate Rosalie ah?" ani ni Pearly nang pauwi na kami. Nasa likod namin si Austin bitbit ang box at mga balde. Habang si Pearly naman ay isang bag kung saan doon nilagay ang mga benta ng isda.
"H-hindi naman. Medyo pagod lang" tugon ko.
"Sabagay, marami kasing mga customer. Salamat kay kuya Austin " humahagik-ik na ani ni Pearly at binulong ang huling sinabi. Nilingon ko naman si Austin na tila walang kahirap-hirap na bitbit ang mga dala niya.
Nang magtama ang paningin namin ay tinapunan naman niya ako ng isang kindat. Kahit sa simpleng ginagawa niya ay malaking apekto sa akin. Kahit na isang kindat ay namumula ako!
"Alam mo ate, hindi ka na dapat magduda sa pagmamahal ni kuya Austin sayo. Eh napapansin ko kasi kung paano siya tumingin sayo parang ikaw lang ang babaeng nakikita niya. Ang sa akin lang ay huwag ka masyadong makampante sa mga babaeng umaaligid sakaniya lalo na kay Ellen. Ang sabi sabi may pinapainom daw kasi siya na pampahilo, hanggang sa makatulog ang lalaki at doon na niya gagawin ang binabalak niya."

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...