Rosalie
Bakit mayroong mga bagay na hindi natin inaasahan ay nangyayari? Mga bagay na kung saan dapat kinakalimutan na ay saka naman nagpapakita?
Mayroon ding mga bagay na kahit gustong gusto mo pero hindi maaari. Katulad nalang ng nangyayari sa akin dito sa islang ito. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ko na mangayayari ang bagay na ito.
"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong ko rito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling na lang? Ngunit sa tuwing sinusubukan kong sabihin sakaniya ang totoo ay sumasakit ang ulo niya.
Natatakot ako kung pipilitin kong makaalala siya ay baka may mangyaring masama sakaniya.
"Not really" tugon nito at tiningnan ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. Parang may kuryenteng dumaloy sa kaibuturan ko dahil sa simpleng ginawa niya.
Gusto kong damhin iyon ngunit agad kong binawi sa kaniya ang aking kamay. Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mga mata.
"Why?" Tanong ni Austin dahil sa ginawa ko. Umiling ako bilang sagot at tumayo na sa harapn niya.
"Where are you going?"
"Maghahanap lang ng makakain" malamig na tugon ko, tumayo rin siya sa tabi ko.
"Sasamahan kita" aniya at hinawakan ako sa kamay ngunit binawi ko rin iyon.
"Hindi na, ako na mag-isa magpahinga ka na lang diyan baka sasakit pa ang ulo mo"
"I don't want to rest here while my wife is somewhere on this island"
Parang tambol na kumabog ng husto ang puso ko sa dahil sinabi niya. Kailan niya titigilan ang pagtawag sa akin na asawa niya? Hindi kakalma ang puso ko kung palaging ganito ang trato niya sa akin.
Natatakot ako baka matupok ako ng apoy na nililiyab niya.
"Austin, sasakit ang ulo mo"
"Mas sasakit ang ulo ko kapag wala ka sa tabi ko" Seryosong sabi nito sa akin. Hindi na ako nakasagot pa at hinayaan na sa gustong nitong gagawin.
Habang naglalakad kami sa loob ng kagubatan ay napansin kong kanina pa siya patingin tingin sa aking kamay at sakaniya.
"Where's our ring?" Natigilan ako sa biglaang tanong nito.
Hindi ako makasagot sa tanong ni Austin dahil hindi ko alam kung ano naman ang isasagot ko.
Wala kaming singsing dahil in the first place hindi kami mag-asawa. Oo magkakilala kami pero dahil nagtatrabaho lang ako sa kanila.
Naramdaman niya sigurong wala akong balak na sumagot ay hindi na ito nagpumilit pa magtanong. Mabuti na iyong ganun dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko.
Magkakalahating oras na kami sa gubat ng islang ito wala pa rin kaming mahanap na pagkain.
"You hungry?"
"Kaya pa naman"
Gutom na ako pero totoong kaya ko pa naman. Pero nag-alala ako kay Austin baka sasakit na naman ang ulo niya kapag hindi makakain.
"I'm sorry.." napalingon ako sa tinuruan nito.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko.
"I think It's my fault why we end up here in this island"
"Wala kang kasalanan, masyado lang malakas ang alon kaya napadpad tayo dito" malamig kong tugon.
Hindi ko alam kung ano ang naalala niya bago kami napadpad dito. Naalala kaya niya ang nangyari? May idea kaya siya sa pagkatao niya?

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...