CHAPTER 35 - Danger

1.7K 29 3
                                    

Rosalie

"No! H-hindi! h..hindi totoo yan."  nanginginig ang mga kamay ni Lylia habang tinitingnan ang mga litratong nagkalat sa sahig. Isa isa ko iyong nabitawan dahil biglang nablanko lahat ng isip ko.

Ang mga sakit na alaala na matagal ko ng binaon ay bumalik lahat sa akin. Parang tinatarakan ng punyal ang puso ko. Nag-init agad ang gilid ng mga mata ko.

Napatakip ng mukha si Lylia at humagulgol. Nagpanic na rin si Devie at Lesley at hindi alam kung sino ang uunahin sa aming dalawa ni Lylia.

"Rosalie, have you seen Somi– What the fuck happened?!"

Hindi ko na rin magawang lingunin si Austin. Napatingin sya kay Lylia at mabilis na dinaluhan.

"What happened—What the fuck is this?!" Isa isa nitong pinulot ang mga litratong nahulog, mabilis na napalingon sa akin.

Nanghina na rin ang tuhod ko at unti-unting napaupo.

"Rosalie!"

"Call Connor, Mom and Dad!" mabilis na utos ni Austin. Lito rin kung sino ang uunahin sa amin ng kapatid niya.

Mabilis ang paglandas ng mga luha ko at nakatulala lang sa mga litrato. Hindi makapaniwala, sa tagal na panahon na walang lead na nakuha kung sino ang naka-sagasa kay nanay. Ngayon lang naungkat.

"Rosalie.." dinaluhan ako nito. Napasigaw ang dalawa nang biglang nawalan nang malay si Lylia.

"Fuck!"

"Lylia!"  Mabilis na lumapit sa amin si Maam Esmeralda na nagpapanic na rin. Ganun rin si Connor at binuhat ito. Umalis naman si Devie at Lesley at sinabing hahanapin si Somi.

"Rosalie.." hinawakan naman ni Austin ang nanlalamig kong kamay.

"Please look at me." May bahid na kaba sa kaniyang boses. Hindi ako makatingin sakaniya ng diretso. Para na glue ang buong katawan ko at hindi makagalaw.

Doon lang ako natauhan nang narinig namin ang nagpapanic na boses nina Devie at Lesley.

"Si Somi nawawala!"

"Nilibot na namin ang buong bahay, hindi namin siya makita!"

Parang may sumaksak sa puso nang marinig iyon at agad napatayo.

"Bullshit!"

"Ano?!"

Mabilis akong tumayo at tumakbo ako papuntang pool area kung nasaan huling nakita ko si Somi. Rinig na rinig ko pa ang tawag sa akin ni Austin.

Tumingin-tingin ako sa buong paligid, umaasa na baka nandun lang siya nagtatago. Pero kilala ko si Somi, takot iyon sa madilim.

"Anak, please.."

Halu-halo na ang emosyong nararamdaman ko, hindi ko na alam. Mababaliw na ata ako.

"Rosalie!" hinihingal na hinawakan ni Austin ang braso ko.

"Please, stay her. I'll find he. I will find our daughter–"

"Austin, kailangan kong hanapin ang anak ko. H-hindi ko alam ang gagawin ko k-kung may mangyaring masama sa kaniya..." hindi ko na mapigilan ang paghikbi pati paglunok ay nahihirapan na ako.

Ngayon lang bumuhos ng todo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Narinig ko na sa loob ang samut-saring boses.

"Ang apo ko! Hanapin niyo!" rinig kong sigaw ni Maam Esmeralda.

Tinakpan ko ang mukha ko ng aking dalawang kamay at dahan dahang napaupo. Nanghihina ako at kahit pagtayo ay hindi ko na kaya.

"H-hindi ko na kaya..."

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon