Rosalie
Pagsapit ng umaga ay akala ko maging ayos na ang pakiramdam ko ngunit hindi pa pala. Nagising na lamang ako na wala na si Austin sa aking tabi.
Tanging ang kaniyang damit lang ang nakakumot sa akin. Nilalamig pa rin ako kahit na putok na putok ang araw at mainit pa rin ang buo kong katawan. Ngunit nagpapasalamat na rin dahil hindi na ito katulad kagabi.
Ang malaking hampas ng alon ay kumalma na rin. Bumalik na ito sa pagiging payapa.
Nakaramdam ako ng gutom dahil sa walang tigil na pagkalam ng sikmura ko. Gusto ko mang tumayo at hanapin si Austin upang tulungan sa paghahanap ng makakain ay hindi magawa ng katawan kong nanghihina.
Masyado akong nanghihina na halos hindi na makagalaw. Niyakap ko ng mahigpit ang damit ni Austin upang hindi masyadong lamigin.
Napapikit ako ng mariin nang humapdi ulit ang tiyan ko at namilipit sa sakit.
Pumikit ulit ako, pagkaraan ng ilang minuto ay narinig ko ang papalapit na yabag. Naramdaman ko ang likod ng kaniyang palad na dumapo ulit sa aking noo.
"Little bit hot." rinig kong aniya.
Dumilat ako upang malaman niyang gising na ako. Kahit na nahihiya akong mag-sabing gutom ako, ngunit wala ng ibang paraan. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.
"A-austin... n-nagugutom–"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ay kumalam ulit ang sikmura ko. Agad niya iyong napansin at binalingan ako.
Naamoy ko ang isdang iniihaw niya."Sandali lang.." sa paraang pagkasabi niya'y sing rahan na para akong hinehele. Tumango ako bilang tugon.
"Alright" tugon nito, naramdaman kong hinaplos niya ang aking buhok at hinawi ang mga buhok na nakatabon sa mukha ko.
"Here, drink first" aniya at iminuwestra sa akin ang coconut shell na may lamang tubig. Bahagya akong umahon upang maka-inom. Marahang inilalayan niya naman ako.
Malinis ang coconut shell na pinaglagyan niya ng tubig. Ang tubig na iyon ay hindi rin maalat.
Nang maka-inom na ako ng tubig ay gumaan na rin ang pakiramdam ko. Ang tuyong lalamunan ay bumuti na rin.
"s-salamat" ani ko at tiningnan siya.
"No big deal, It's my responsibility and I'm so damn worried of you since last night. I can't take my wife get sick"
Natigilan ako sa sinabi niya ay siya ganun rin. Kumabog ng malakas ang puso ko.
Wife
Napansin niya ang naging reaksiyon ko kaya nag-iwas siya ng tingin.
"I-i'm sorry"
Hindi na ako umimik. Pagka-luto ng isda ay pinagsaluhan namin iyon. Alam kong gutom rin siya at hindi niya lang iyon pinapakita.
"I told you, I'm fine. You should think yourself first."
"Austin, ayos na talaga ako"
Pagdating ng dapit hapon ay nagpapasalamat ako dahil medyo bumuti na ang pakiramdam ko. Hindi na ito lumala pa.
Sabay naming sinulyapan ang pag-lubog ng araw. Ang maliwanag na araw ay unti-unti ng dumidilim.
Ang mga ibon ay nagliliparan na tila bumabalik na ito sa kanilang mga tahanan. Ang kumikinang na dagat na sa tuwing titingnan mo ay tila napakapayapa.
Napalingon ako kay Austin nang maramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. Sa gulat ko ay agad kong nabawi iyon, ang payapa kong puso na kasing payapa ng dagat ay kumabog ng malakas katulad ng kulog at kidlat.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...