Rosalie
Mabigat kong iminulat ang mga mata ko nang maramdam ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.
Nang balingan ko ang orasan ay maaga pa pala. 6:00 am pa. Hindi naman bago iyon sa akin dahil maaga talaga akong nagigising. Sabado ngayon kaya walang pasok.
"Goodmorning." bati sa akin ng kagigising lang na si Devie habang humihikab pa, ganun din ang ginawa ko.
Pagkatapos ay naisipan ko na ring maligo upang makatulong na rito sa mansiyon.
Habang naliligo ay hindi mawala-wala sa isip ko ang panigip ko. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko dahil doon at kahit na malamig ang tubig ay pinagpawisan ako.
Ang panaginip na iyon ay napaka-imposibleng mangyari sa akin. Imposibleng magkatotoo. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang hawakan ang aking labi.
Bakit naman ganun ang panaginip ko? Nakakahiya!
Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng banyo dahil sunod ng maliligo si Devie. Inaantok itong pumasok habang bitbit ang kaniyang tuwalya.
Pagkatapos kong magbihis ay inantay ko na lang si Devie na matapos upang sabay na kami, maaga pa naman.
Nang matapos na ay dumiretso agad kami sa library at nag-linis, pagkatapos ay sa kwarto naman. Hindi namin nakasama pa muli si Lesley dahil ang sabi ni Aling Hilda ay umuwi raw muna siya sa kanilang probinsya dahil nagkasakit ang lola niya.
Alas dose na kami natapos ni Devie sa mga gawain. Habang nananghalian ay kasama namin sina aling Celly st aling Hilda, kaya hindi namin maiwasan marinig ang kanilang mga pinag-uusapan.
"Uuwi ba ngayon si sir Austin?" panimula ni Aling Hilda.
"Oo, ngayon daw iyon"
"Kung ganoon ay kailangan nating maghanda, hindi naman pala umabot ng isang buwan ang pagma-Maynila niya"
Pagkatapos nga yun ang ginawa namin. Nagluto sina Aling Celly, habang kami naman ay tinulungan namin ang iba sa pag-lilinis.
"Uy Ros, hindi pala nakalog-out ang account mo, tingnan mo oh nagchat sayo si Camille" ani ni Devie nang nasa kwarto ulit kami. Tapos na kami sa mfa gawain namin ang tanging ginagawa lang ay hinihintay sina sir Austin.
Excited kong kinuha ang cellphone ni Devie at tiningnan ang message sa akin ni Camille. Naka-browser lang ito dahil hindi ko pala na log-out sa browser ang account ko.
From: Camille
Hi Rosalie! Goodmorning. I miss you
Ako:
Hello Camille, kumusta ka na?
From: Camille
Ayos lang, sige na babye! Labyu!Pagkareceive ko ng message niya agad na itong na offline. Sandali akong nalungkot dahil sandali lang kami nagka-usap.
Binalik ko na lang ang cellphone kay Devie. Pagkatapos ay nanood na lang kami ng mga video sa youtube, ilang oras ay yun na ang pinagka-abalahan namin.
"Nakapag-chat ulit kayo ni Sir?" basag ni Devie sa katahimikan habang nasa video pa rin ang paningin.
"Wala na, yun lang ang una at huli"
"Talaga? Ba't parang disappointed ka?" nanunuyang tanong nito sa akin at nakangising nilingon ako.
"Hindi naman"
"Ayan na naman! Sus miss mo lang eh"
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Devie. Ganun na ba talaga ang pagka-miss ko sa kaniya kaya pati sa panaginip ay siya pa rin at umabot na ganun?
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...