Rosalie
Ang buhay ay parang bulaklak, maganda kapag inaalagaan ng mabuti ngunit nalalanta rin kapag napapabayaan. Kapag inalagaan ulit ay puwede siyang babalik sa dating ganda at sigla.
Maaari ko itong mahahalintulad sa mga nangyari sa akin. Akala ko ang rosas na inalagaan at binuhay ni nanay ay tuluyan na itong malalanta nang mawala siya.
Ngunit diniligan ulit ito ng iba at sumigla ulit, hanggang sa nagpatuloy na itong mamuhay at tuluyan ng namulaklak.
"Rosalie, patawarin mo ako... huli ko na nalaman..." Hinawakan ko sa kamay si Camille upang kumalka simula nang magkita kami ay hindi na ito natigil sa pag-iyak.
"Huwag mo na akong alalahanin, Camille, ayos lang" hinagod hagod ko ang kaniyang likod upang patahanin.
"P-pakiramdam ko n-napakawalang kuwento kong kaibigan.. hindi man lang kita n-nadamayan" Kung tuluyan pa ang pag-iyak ni Camille ay baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko at mag-iyakan kami.
"Huwag mong isipin yan, Camille. Hindi totoo yan"
"K-kahapon ko lang nalaman sinabi sa akin ni papa. For pete sake! Three months na ang nakalipas... I-im sorry, Rosalie"
Hindi ko na ikinuwento sakaniya ng detalyado ang pinagdaanan ko sa tatlong buwan. Ayaw kong mag-alala pa siya ng husto.
"Kung n-nalaman ko lang ng maaga, Nasa tabi mo l-lang sana ako.. n-nadamayan sana kita"
"Ayos lang talaga, ang mahalaga ngayon ay nagkita ulit tayo. Salamat, Camille, pinuntahan mo pa talaga ako dito"
Pinunasan niya ang kaniyang mamula-mulang at basang pisngi at hinarap ako.
"Wala iyon, Rosalie. Kaibigan kita at mahalaga ka sa akin"
Nasa hardin kami ngayon ni Camille dahil kaka-uwi lang namin galing sa school. Maaga nagsi-uwian dahil may meeting daw ang mga teacher.
Sa tuwing uwian ay kaming tatlo ang magkasama nina Lesley, ngunit hindi pa rin maiwasan ang pagsasagutan ng dalawa.
Pagka-uwi namin ay sinabi agad ni Aling Hilda na may naghahanap sa aking kaibigan ko raw. Masaya ako dahil muli ko ulit nakita si Camille.
Ang noon hanggang balikat niyang buhok ay medyo humaba na tama lang para ilipad ng hangin, ganun din ang sa akin ngunit mas mahaba nga lang dahil hanggang baywang ko ito.
Maganda si Camille, kung titingnan mo siyay animoy isang artista na walang kapintasan. May isang bagay na gustong gusto ko sakaniya, yun ay ang kaniyang mala-pusang mata.
Maganda rin ang kaniyang labi na tila hugis puso, naalala ko sakaniya si Devie magkaparehas sila ngunit natatabunan iyon ng liptints kaya hindi makikita ang natural na kulay. Hindi katulad kay Devie na natural lang. Matangos na ilong at magandang pagkakurba na kilay na kasing kulay ng kaniyang buhok.
"Eto nga pala, Rosalie.." marahan ang kaniyang pagkakasabi gaya ng kaniyang kilos.
"Pinapa-abot sayo ni Mang Crisostomo' dagdag niya at inilahad sa akin ang panyong kulay gatas may nakaburdang pangalan ko.
"Ang ganda! Pakisabi kay tatay Camille salamat" namamangha kong sabi at hindi maipaliwanag ang naguumapaw kong kasiyahan.
"Ang sabi niya pasensya na raw kung hindi ka niya napuntahan, nagkasakit rin daw kasi ang asawa niya. Parehas din kami ng tatay mo, huli na naming nalaman" Nakangusong usal niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang matawa ng marahan dahil sa inakto niya.
"Ayos lang talaga at saka naiintindihan ko naman, huwag niyo ng masyadong alalahanin iyon" ngumiti ako sakaniya upang gumaan ang kaniyang pakiramdan.

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Roman d'amour(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...