Rosalie
"Misis, kailangan niyo pong magpahinga ng marami. Huwag kayong magpa-stress at magtrabaho ng mabigat, hindi masyadong malakas si baby. Hayaan mong asawa mo muna ang magtrabaho."
"Uhm, w-wala po akong asawa." nahihiyang tugon ko kay Doktora. Nakita ko ang kaniyang bahagyang natigilan.
Marami pang payo ang sinabi ni Doktora sa akin na kailangan kon sundin kaya habang papauwi ako ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Doktora. Mahina ang kapit ng anak ko dahil sa nangyari sa akin, baka kung mawala siya ay ikakamatay ko.
Kailangan kong magpahinga, ngunit saan naman ako kukuha ng pera kung hindi ako magtatrabaho? Isang linggo na ang nakaraan simula nang makarating ako sa lugar ng Santa De Ana.
Sa mabuting palad ay nakahanap ako ng trabaho doon sa naluluging flower shop. Nagbukas ito ulit at habang napadaan ako doon dahil sa paghahanap ng pagtatrabahuan ay sinubukan kong mag-apply.
"Sige, kuha ka na. Hindi mo na kailangan ng mga papeles. Kailangan talaga namin ng tao kahit isa lang, nalulugi na talaga ang negosyo na ito."
Sa loob ng isang linggo ay ganun pa rin naman. Walang masyadong bumibili. Dalawa lang kaming tao doon, ako at ang may-ari na si Ma'am Seana.
Napakabuti ng kaniyang puso dahil nang malaman niyang buntis ako ay nagawa niya pa akong bigyan ng bonus kahit na nalulugi na ang kanilang negosyo ang sabi niya ay hindi lang naman flower shop lang ang negosyong pinagkakaabalahan nila marami pa katulad ng mga hotels at yun ang kanilang mas pinagkakaabalahan.
"Rosalie, eto oh. Baka makatulong sayo" inabot sa akin ni ate Marites ang dalawang nagkakapalang magazine tungkol sa pagbubuntis.
Marahil makatulong iyon sa pagbubuntis ko kung ano ang dapat gawin at hindi. Gayung sabi ng doctor sa akin ay hindi gaanong kalakas ang anak sa sinapupunan ko.
"Maraming salamat, ate Marites." sabi ko rito at tinanggap ang binigay na maganzine.
"Walang anuman, sa pinsan ko kasi yan kakapanganak lang noong nakaraan buwan at naisipan kong ibigay sayo. Baka sakaling makatulong."
"Maraming salamat talaga ate, malaking na ito sa akin."
Hindi na ako magtataka bakit maraming gustong magrenta ng bedspace rito kay ate Marites. Masyaso siyang mabait sa mga costumer niya.
Kahit na binigyan niya ako ng isang linggong palugit bago bumayad, pagkalipas ng tatlong araw ay nagbayad rin ako para sa isang buwan. Kahit na bukal sa puso niya akong tinulungan ay nakakahiya pa rin para sa akin. Hindi dapat natin inaabuso ang tulong ng tao sa atin.
"Rosalie, ikaw na muna ang magbabantay dito sa flowershop. Aalis kami ng asawa ko bukas. Ikaw na ang bahala."
Yan ang huling bilin sa akin ni Maam Seana bago umalis. Mag-aapat na buwan na rin ang lumipas nung umalis sila, medyo halata na rin ang umbok sa tiyan ko.
Ang shop na kung noon ay sobrang lungkot ay unti-unting nagkakaroon ng mga costumer. Marami na rin ang bumiling mga bulaklak.
May nag-offer pa para sa isang land kung saan pwedeng taniman ng mga iba't-ibang bulaklak.
"Tingnan mo ng maigi, Rosalie, kung katiwa-tiwala ba ang land na ino-offer nila. May iba kasing illegal lang." ani ni Maam Sean na nasa telepono. Ibinalita ko sakaniya ang tungkol sa lupang ino-offer sa amin.
"Opo, Maam."
"Gusto niyo na po bang nalaman ang gender ni baby?" nakangiting tanong sa akon ng doctora. Ito na ang pangapat na buwan kong pag papacheck-up.
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romansa(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...