Rosalie
"Naku, Rosalie. Huwag kang magpapadala sa mga ganiyan ni sir Austin, alam mo namang maraming babae yan, hindi ba?"
Hindi ako umimik sa sinabi ni Devie. Alam ko iyon, pero sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon ay parang ang bigat sa pakiramdam.
"Nagsasabi lang ako, Rosalie" aniya at hinakawan ako sa kamay. Tiningnan ko siya at nginitian ng malungkot.
"Nag-alala lang ako sayo, baka sa bandang huli ay iiyak ka lang"
"Wala naman sigurong ibig sabihin nitong binigay niyang kuwintas, Devie. Ang sabi niya regalo lang niya ng pagkapanalo ko." tugon ko.
"Talaga lang huh?" aniya at bahagya akong nginisihan, umiwas ako ng tingin at ngumuso.
"Sus, kung alam ko lang nangingisay ka na siguro ng kilig nang ibigay sayo yan ni sir Austin."
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi at mabilis na umiling.
"H-hindi naman"
"Ewan ko sayo, sige deny pa" wika niya at inirapan ako.
"May facebook ka ba, Rosalie?" bigla-biglang tanong niya.
"Meron, ginawan ako ni Camille noon, kaso hindi ko na nao-open kasi wala akong cellphone" tugon ko rito.
"Sandali, hihiramin ko lang cellphone ni nanay."
Nang makalabas si Devie sa kwarto ay napatingin ako sa kuwintas na bigay ni Austin. Maraming katanungang bumabagabag sa isip ko.
Alam kong may kakaiba, ngunit ayaw kong mag-assume. Ayaw kong mag-isip na may pag-asa dahil imposible.
Sino nga ba ako? Sino ba si Austin? Tanyag ang pamilya niya at kilala sa buong lalawigan. Masyado ng matayog ang pangarap ko kung pangangarapin ko pa siya.
Binigay lang niya ito sa akin dahil nanalo ako at isa siya sa mga judge doon, yun lang. Mariin kong pinikit ang aking mga mata dahil sumakit ang ulo ko sa pag-iisip. Lalo pa't sumasabay ang puso ko sa kirot.
"Rosalie!" napalingon ako sa kakapasok na si Devie habang dala na ang cellphone ni Aling Hilda.
"Tingnan mo to! Ang gwapo ni sir oh!" Iminuwestra niya sa harap ko ang cellphone at pinakita sa akin ang litrato ni Austin.
Naka tuxedo siya na may hawak na alak sa kaniyang maliit baso at seryosong nakaharap sa camera.
"Last year pa itong profile picture niya. Sa tingin ko photo shoot ito at ginawa atang profile picture." Umupo na sa tabi ko.
"I-open natin ang facebook mo, Rosalie, teka naaalala mo pa ba ang password at email mo?"
Inisip kong mabuti kung ano iyon, ngunit hindi ko na talaga maalala. Kung nandito si Camille ay baka alam niya.
"Hindi na eh, si Camille kasi ang gumawa noon."
"Eh? Ah! Ganito na lang. Gawan na lang kita ng bago"
Pagkatapos niya akong gawan ay inadd-friend niya na ang mga classmate namin. Ang una niyang inadd-friend gamit ang account ko ay sarili niya.
"Eto, gamitin mo na, gagawa lang ako ng assignment. Pakopya ah?" binigay niya naman ssakin ang kaniyang cellphone.
Nang i-open ko ang facebook ko ay sunod-sunod ang pagpa-pop-up ng notification ko. May ibang nag-accept sa akin may iba ding nag confirm. Ang iba namay ay nag react sa profile picture ko.
Nakita ko agad ang pangalan ni Camille na nag addfriend na agad kong kinonfirm. Pagkatapos ay nakita ko ang pangalan niya sa message.
From Camille:

BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...