CHAPTER 23 - Engagement

1.6K 34 1
                                    

Rosalie

Dinampot ko ang cellphone kong tumutunog at sinagot agad ang tawag ni Camille. Sinabi lang siya sa akin ang tungkol sa invitation.

"Oo naman, Camille. Congratulations! " sabi ko rito. Totoong masaya talaga ako para sakaniya. Dahil nahanap na niya ang taong nagpapakasaya sakaniya. Ang taong maging katuwang ng buhay niya.

Nag-usap lang kami sandali, pagkatapos ay sumubsob ulit sa trabaho. Matagal ko ng tanggap ang katotohanang ito. Hindi na dapat ako maghahangad pa. 

Sa susunod na linggo pa magaganap ang engagemeny party at doon iyun gaganapin sa private resort ng mga Lazaro. Uuwi rin daw sina Ma'am Esmeralda at sir Dulscisimo. 

At ang mismong engagement talaga ay sa yate talaga, doon ang party isa sa mga pag-aari rin nina Austin. Engagement pa lang pero pinaghandaan talaga.

Kumuha pa si Camille ng designer para sa mga damit namin. Summer style iyon. Sa pagtatrabaho ng isang linggo ay hindi na muli ako nakabalik pa sa opisina ni Austin.

"Grabe talaga, engagement pa lang pero parang kasal na" namamaghang ani ni Lesley habang binubuklat ang mga magazine. Sikat na designer ang pinili ni Camille para dito. Ang sabi niya ay marami na raw itong mga costumer na halos ay mga asawa ng mga business man.

"Para ka namang ignorante Lesley, malamang ano pa ba ang inaasahan mo sa mga mayayaman?" pambabara sakaniya ni Devie. Binalingan siya ni Lesley at masamang tingnan.

"Kinakausap kita?" mataray na aniya. Hindi na ako umapila sakanilang dalawa dahil pagod na ako. Paulit-ulit na lang. Kaunting bagay ay pinag-aawayan.

Habang nasa biyahe papuntang private resort ng mga Lazaro ay panay ang kuha ng litrato ng dalawang kasama ko. May sumundo sa aming SUV isa sa mga pag-aari naman nina Camille. 

Mga alas dos na kaming nakarating sa resort, gabi pa gaganapin ang sinasabing party kaya may oras pa kaming makapagpahinga.

Maganda at maputi na may pinong buhangin ang resort na nadatnan namin. Napakaganda ng lugar, may malaking hotel din. Ang kulay asul na dagat ay parang nang-aakit na maligo doon. 

"Ang ganda talaga! Ang sarap maligo!" si Devie at panay pa rin ang kuha ng litrato. Kinuhanan niya ng stolen shot si Lesley nang makita iyon ni Lesley ay gusto niyang ipabura kay Devie, kaya naghabulan silan.

Napa-iling nalang akong pinagmasdan silang naghahabulan parang mga bata. Ilang segundong pagtanaw sa karagatan ay naisipan kong pumasok na sa hotel.

Tinawagan na rin kasi ako ni Camille, na lahat ng mga bisita sa kanilang engagement party ay sa hotel mag-stay. Sa pagkakaalam ko ay isa mga Lazaro rin iyon ngunit sa pinsan ni Austin na si Nathan Lazaro. 

Hindi ko maiwasang mamangha sa loob ng hotel. Maraming mga turista na halos foreigner. Napakaganda ng lugar, kung titingnan mo ay halos ng gamit ay mamahalin. 

Pagpasok ko ng hotel room ay mas lalo lang akong namangka dahil sa lawak, mas malaki pa sa condo naming tatlo ang room ng hotel. Pati ang bathroom ay malaki rin. Pagkalapag ko ng mga gamit ko at agad akong humiga sa malambot na kama. 

Nakakarelax dahil sa lambot nun. Hindi ko na namalayan ay nakatulog na pala ako. 

Nagising na lamang ako dahil sa pag-iingay ni Devie. Nang magising ako ay inaayusan na si Lesley si Devie naman ay naka-bihis na habang minimake-upan ang sarili. Siya na rin kasi ang nagpresintang make-upan ang sarili.

"Buti naman! Magbihis ka na Rosalie. Ilang oras na ay sasakay na tayo sa yate dahil magsisimula na ang engagement nina sir Austin."

Tumango ako at nagbihis na rin, pagkatapos ayusan ni Lesley ay ako na ang sumunod. Sandali lang ang pag-aayus dahil simple lang naman. Naka puting dress kaming tatlo at may light make up, sakto lang sa party na gaganapin. 

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon