CHAPTER 37 - Forgiveness

1.9K 34 2
                                    

Rosalie

Nagising ako dahil sa kakaibang nararamdaman. Masakit ang buong katawan ko at halos hindi ko maigalaw. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari. Hindi ko na matandaan kung ano talaga ang eksaktong oras natapos.

Naramdaman kong wala na akong katab, kahit na medyo mahapdi ay pinilit kong bumangon. Wala akong ibang damit kaya nagpasyang damit nalang ni Austin na t-shirt white at boxer. Maluwag sa akin damit niya at malaki.

Lumabas ako nang kuwarto dito sa yate, nakita ko ka-agad ang kagandahan ng karagatan na kumikinang. May nakita pa akong mga ibon na dumadagit ng isda.

Hindi na rin kami nagtagal ni Austim dahil sinabi ko sakaniya na kailangan na naming bumalik.

"Uhmm, b-bakit umabot sa tatlong buwan?" hindi ko mapigilang tanong. Kanina ko pa pinag-iisipan kung itatanong ko ba ito o hindi.

Nasa kotse kami nagmamaneho siya para pabalik na ng mansion nila.

"I just clean some mess. " Sago nito, hinawakan niya naman ang kamay ko at marahang hinalikan sa likod.

"I'm sorry, hindi aki nagpakita agad."

"Okay lang, naintindihan ko naman." lumingon ito sa akin, tipid na nginitian ko siya.

Wala na sa akin iyon, naiintindihan ko kung bakit ganun.

"Ang mahalaga buhay ka."

"That night.."

Habang papabalik ang byahe sa kanilang mansion, nagkwento ito tungkol sa nangyari noon. Ani nito bago pa man sumabog ang bomba ay nakaligtas ito ngunit nawalan ito ng malay.

"May nakakita sa akin noong gabing iyon. He helped me, he cure my wounds halos isang buwan daw akong walang malay. One month passed my brother and cousins found me."

"S-sorry.. W-wala ako sa tabi—" mabilis niya akong hinalikan sa labi para pigilan ang sasabihin. Uminit ang pisngi ko.

"Shh, It's my choice though. I don't want to bring the danger again while clearing some things. Especially you and Somi."

Sinabi niya nang bumalik ang kaniyang lakas ay pinahanap niya si Mayor Clemente dahil tumakas na ito sa bansa. Sa tatlong buwan ang huling balita ko bago kami bumalik ni ating lugar ba tinitirahan namin ni Somi ay ang pagkakulong ni Camille.

"He kidnapped you years ago, right?" tumango ako bilang tugon.

"For that years, I've been looking for him. Nilinaw naman namin ni Camille ang isa't-isa bago kita hinanap. I was such a fool for trusting that."

Hinawakan ko ang isang kamay niyang hindi abala sa pagmamaneho.

"Walang gumusto sa nangyari at mas lalong walang may kasalanan." Ngumiti ito at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Ilang oras bago kami nakarating  sakanila. Hindi ko akalaing malayo layo pala iyon. Wala akong kaide-ideya dahil umidlip lang ako paggising ko nasa gitna na ako ng dagat.

Laking gulat ko dahil imbes na kanilang mansion ang makita ko hindi. Lumabas ito ng sasakyan at pinagbuksan ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa ilang taong nakalipas ngayon lang ako nakabalik rito.

Ang Poblacion Clemente. Kung saan kami dati nakatira ni Nanay bago lumuwas kanila Austin upang mamasukan bilang kasambahay. Biglang nanumbalik ang alaala ko kasama si Nanay.

Naramdaman kong pinunasan ni Austin ang luha kong hindi ko napansin. Masakit isipin sa muling pagbalik ko rito ay hindi ko na kasama ang taong kasama ko lumuwas.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon