CHAPTER 11 - Meet

1.9K 55 3
                                    

Rosalie

5 Years Ago

"Nak, gumising ka na, nandito na tayo." Nagising ako sa tapik sa akin ni nanay. Nagbabaan na ng pasahero ang bus na sinakyan namin kaya kinuha ko agad ang mga gamit na dala namin.

Si nanay naman ay dala-dala ang kaniyang bayong. Sakto pagbaba namin sa terminal may lumapit sa amin na isang lalaki na kaedad lang ni nanay. Naka puting damit ito na parang barong at itim na slacks. 

"Kayo ba si Lorencia Fabregas?" Tanong ng lalaking sumalubong sa amin kay nanay.

"Oo, anak ko naman ang kasama kong ito." Tugon ni nanay. Tumango ang lalaking at inimuwestra kami sa isang puting sasakyan na SUV.

"Driver ako ng mga Lazaro pinasusundo kayo sa akin." aniya nang makasakay na kami ni nanay sa loob ng sasakyan. Mahaba habang byahe bago kami makarating.

Namangha ako nang tuluyan na kaming makapasok sa isang napaka-garang gate. Ginto ang kulay niyon at may naka-ukit na 'Grande de Lazaro' 

Habang papasok kami ng gate ay hindi mawala ang pagkamangha sa akin. Dahil may malaking fountain sa gilid niyon at iilang giant grass sculpture na iba't ibang design. Kaya napakaganda tingnan sa paligid at apakalawak na rin.

"Nandito na tayo." sabi ni Mang Lando ang driver na sumundo sa amin ni nanay.

"Lorencia! buti naman nakarating kayo agad." salubong sa amin ng isang napakagandang babae. Nakasuot ito ng magandang pulang maxi dress at may suot na iilang alahas. May suot itong malaking sumbrero na kakulay ng damit niya at hawak na abaniko.

Napaka classy tignan. 

"Halika kayo dito, anak mo ba ito Lorencia? ang gandang bata." aniya at nginitian ako. Nahihiyang nagtago ako sa likod ng aking ina.

"Siya ang magiging amo ko Rosalie, Si ma'am Esmeralda." Sabi sa akin ni nanay.

Maganda si ma'am Esmeralda, may maputi at makinis na balat. Makurbang kilay na kulay brown kasing kulay ng kaniyang buhok at mata. Maganda at manipis na labi na natatabunan ng pulang lipstick.

"Oh tamang tama, nandito rin ang bunsong anak kong si Connor." Sabi nito at tinawag ang isang lalaking kakababa lang sa isang sasakyan. Siguro magkasing edad ko lang, kaya lang matangkad na itong tingnan. Maganda rin ang pangangatawan.

Mestiso ang balat at parang may dugong banyaga. Matangos ang ilong, makapal na kilay at magandang mata. May maninipis na labi. Magkasing kulay sila ni ma'am Esmeralda at magkaparehas sila ng mata na may pagka-singkit.

"anak, si Lorencia ang bago nating kasambahay. Ito naman si Rosalie, anak niya." ani ni ma'am Esmeralda at iminuwestra ako sa anak.

"Magandang hapon po." Nagulat ako sa tugon nito'y ang akala ko magsusungit. Kung titingnan mo siya ay para siyang masungit na tao.

"Magandang hapon din sayo hijo." usal ni nanay.

Tipid na ngiti ang tugon ni Connor sa amin at nagpaalam na pupunta sa kaniyang silid.

Mabait si ma'am Esmeralda, nakikita namin iyon kung paano niya tratuhin ang mga kasambahay. Ilang araw na noong dumating kami ni nanay dito. Yun ang palagi ang naririnig namin sa mga kasamang kasambahay kung gaano ka bait si ma'am Esmeralda.

Ganun din daw ang kaniyang mga anak. Mukha daw mang masungit ngunit may respeto naman sa kapwa.

Kaya may iilang kasambahay na nagtagal dito, umabot sa iilang taon. Hindi ko akalain na kahit ganito ka yaman ang isang tao, mayaman din ang kanilang mga puso.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon