CHAPTER 27 - Goodbye

2.3K 46 3
                                    

Rosalie

Lagatak ang pawis kong isinuka ang lahat ng kinain ko mula pa kanina. Pinagpawisan rin ako ng malala. Nangingilid na rin ang mga luha ko.

Wala si Kael dahil nasa kaniyang trabaho. Kaya ako lang mag-isa. Nang mahismasan ako ay hindi ko na alam kung ilang oras akong nag-iisip para sa gagawin ko gayung may dala-dala akong bata sa sinakupupunan ko.

Maghahanap ako ng trabaho. Hindi pwedeng aasa ako kay Kael, nagtatrabaho siya para sa saril niya, para makapag-aral. Agad din akong nanlumo nang maisip kung paano ako magsisimula.

Saan ako magsisimula? Wala akong kakilala rito sa lugar na dinalhan sa akin ni Kael. Kailangan kong tumulong sa kaniya. Gustong gusto ko rin magpacheck-up dito sa pagbubuntis ko, kung okay lang ba ang anak ko at ano ang findings sa mga buntis.

Ngunit nakakakapanlumo ang kaisipang kahit isang salapi ay wala ako. Nang mainip ako sa bahay na tinutuluyan ay naisipan kong lumabas muna. Magtanong-tanong kung saan pwede magtrabaho. Kahit taga-luto o tagalinis man lang.

"Ay pasensya kana hija, nakakuha na kami ng bagong cook, try mo riyan sa kabila" sabi nang may-ari ng karinderia dito lang malapit sa bayan.

"Sige, salamat po"

Pinuntahan ko ang itinuro niya sa akin ngunit sa kamalasan ay ganun rin ang isinagot sa akin. Medyo malayo-layo na rin ang bahay na tinutuluyan sa paglalakad ko ay natanaw ko ang dagat at dungguan ng mga barko.

May iilan mga kargador doon ng mga isda. Naalala ko si Austin noon doon sa isla na ganun ang trabaho niya. Parang kinukurot ang puso ko sa mga alalang iyon.

Mga alaalang sa akin na lang, mga alaalang hindi na dapat pa inuungkat. Akmang aalis na sana nang muntikan na akong mapasubob dahil may nakabangga sa akin. Buti na lang ay napahawak ako sa mga upuan na semento.

Ibinaba ng lalaking iyon ang kaniyang cup at tiningnan ako na agad akong kinilabutan. Naka-itim lahar ang kaniyang suot mula sa kaniyang jacket, pants at bag maitim ang kulay lahat.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan niyang tingnan ako ng ganung kasama para bang binibantaan ako. Hindi kaya tauhan iyon ni Mayor Clemente?

Nilukuban agad ako ng kaba dahil sa naisip, hindi sana.. Wag naman sana. Ayaw ko ng makita pa ang kahit na ano o sino man sa kanila.

Nanginginig at natatakot akong umalis doon. Mabilis ang bawat lakad ko dahil sa takot. Agad akong bumalik sa bahay na tinutuluyan namin ni Kael.

Pagkadating ng pagkdating ko, dahil sa takot ay sinarado ko lahat ng mga bintana. Nanlalamig at nanginginig ako sa takot. Malakas na rin ang pintig ng puso ko, pati mga pintuan at mga nakahawing kurtina ay ibinalik ko.

Sa sobrang kaba ay nag-uunahan sa paglandas ang mga luha ko. Nagtago ako sa ilalim ng lamesa. Natatakot ako, ang dating takot na pilit kong nilalababan ay bumalik.

Ilang minuto ay may narinig akong kumatok, mariin kong itinikom ang bibig ko. Nanlalamig at nangingig na rin ang mga kamay ko nang kumatok ulit ito.

"Rosalie?"

Nawala bigla ang takot na nararamdaman ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kael. Agad akong lumabas sa kinatataguan ko at binuksan ang saradong pinto.

Pagbukas ko ay nababakas ko sa kaniyang mukha ang panunuring tingin sa akin.

"Namumutla ka, ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong nito, tumango ako bilang sagot, ngunit hindi ito nakuntento sa isinagot ko dahil sinuri niya pa muli ako.

"Ayos lang ako, Kael.. Huwag ka ng mag-alala"

Marami siyang ginagawa at mas mabuting hindi na niya malaman pa iyon. Ayaw kong mag-alala pa siya sa akin, masyado ko na siyang naaabala.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon