Rosalie
Pagkatapos ng first round na costume ay nagbihis kami para sa second round na production number. Suot ang team t-shirt namin at short. Naaasiwa ako sa short ng suot ko dahil sa sobrang ikli.
Kahit na nahihirapan ako sa heels ay kinaya ko naman, sinunod ko lang ang mga tinuro ni Jaycie. Panghuli ay ang sports attire.
Ang suot kong sports attire ay jersey at short na pang volley ball, may dala rin akong bola. Naka ponytail ang buhok ko at nilagyan iyon ni Jaycie ng hair extension para mas kumapal tingnan.
"Okay, candidate number 1 please pick here" anang mc at iminuwestra kay Lelsey at bowl na may lamang mga papel, pumulot doon si Lesley at binigay sa mc.
Nilagyan kaming isa-isa ng heaphone para hindi marinig ang sagot isa't-isa. Pagkatapos sumagot ni Lesley ay nakikita ko lang ang mga action ng mga tao, na nagpapalakpakan.
Kahit na kinakabahan ako ay hindi ko na ibinaling kay sir Austin ang paningin ko dahil mas lalo lang ako kabahan ng husto.
Pagkatapos ni Lesley ay sumunod naman si Margarette, Alice at ang pang huli ay ako. Tinanggal na rin ang aking heaphone.
"Candidate number 4, please forward" anang mc at sinunod ko naman.
Sakto pagtanggal ng headphone sa tenga ko ay narinig ko ang hiyawan ng mga tao na mas lalong nagpadagdag ng kaba. Sana maayos kong masagutan ang tanong.
"Go! Rosalie!"
"Amity!"
"Candidate number 4, please pick here" pumulot ako ng papel doon sa bowl at ibinigay sa mc.
"Mr. Lazaro" pagkatapos banggitin ng mc ang apelyido niya ay naghiyawan ulit lalo na ang mga babae.
"Please quite everyone" natatawang ani ng mc.
Halos mawala ako sa focus nang marinig ko rin ang apelyido ni Sir, gayung siya ang magbibigay ng tanong sa akin.
"Ms. Amity, right?" parang kidlat ang malalim na boses niya na lumukob sa buong auditorium.
Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Nakasuot siya ng suit na walang necktie at may puting polo sa ilalim. Malinis at maayos rin ang kaniyang buhok na mas lalong nagpa-attractive sa kaniya.
Kabadong tumango ako bilang tugon. Nakita ko ang kaniyang pagngisi at muling bumaling sa akin habang hawak ang microphone.
"Here's my question to you Ms. Amity, what makes you different from other girls competing today?" Ibinaba niya ang microphone, sumandal ito sa upuan na nakahalukipkip na tumingin sa akin.
"Thank you for the question sir..." aniya ko at tumingin kay sir Austin sa mata kahit na nangangatong ang binti ko. Bumaling rin ako sa audience bago sumagot.
"Nowadays, we all have many insecurities and most commonly reason for that is being called 'beautiful'. For me what makes me different is I am not competing for that. 'Believe in yourself' that's what I've learned when I joined this pageant. Life isn't a competition because it is always in you, and also It is important for everyone especially women like us to be more into cultural and traditional aspect for our lives. Work hard to achieve our goals and lived better, we should follow our beliefs and most importantly is to have moral values. Because this is what makes us beautiful, but I'm not really focusing on our differences. In fact I truly support each of our uniqueness especially today with that being said. Cheering for our hardwork and perserverance can be considered as my difference"
Pumalakpak at naghiyawan ang lahat. Hindi ko akalain na makakasali ako sa ganitong patimpalak. Kahit na kabado ay nakaramdam ako ng pagkagaan sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...