Rosalie
Pagkatapos ng dalawang araw na pananatili sa ospital ay nagpasyang umuwi na kami. Ayaw ni Austin manatili sa ospital ng matagal.
Sumama si Adam sa amin pauwi. Alam kong pinipilit niyang si Austin na bumalik sa dating pamumuhay. Hindi ako umangal dun dahil kailangan naman talaga.
"Austin, you really need to go back, this is not your life"
"Leave us fucking alone, Adam" malamig na tugon nito sa kaibigan.
Kinumbinsi rin ako ni Adam na kumbinsihin si Austin. Hindi ko siya maisi dahil nag-alala lang siya sa kaibigan.
"Susubukan ko, Adam"
"Thank you, Rosalie"
Sa araw ding iyon ay hindi rin nagtagal si Adam. Ang sabi niya ay marami siyang aasikasuhin, kailangan niya raw na pumunta sa iba pang lugar bilang isang travel vlogger. Susubukan niya rin namang bumalik upang bisitahin ang kaibigan.
Buong araw ay tahimik lang si Austin, tila ba may malalim na iniisip.
"I want to stay here" aniya mula sa malalim na iniisip. Natigil ako sa pagsuklay ng buhok at nilingon siya.
"Hindi ka ba babalik sa dati mong buhay?"
Binalingan niya ako ng tingin.
"I want to stay here with you" wika nito sa may pinal na boses.
Hindi na ako muling sumagot pa. Ayaw ko siyang kulitin tungkol doon. Siguro maghahanap nalang ako ng tamang tiyempo upang kumbinsihin siya.
Naiintindihan ko ang saloobin ni Adam, alam kong ginagawa lang niya iyon para sa ikabubuti para sa kaibigan. Kung ako ang pipiliin ganun din ang gagawin ko.
Maraming nakakapuntang turista rito. Ibig sabihing may tiyansang pwede kaming maka-alis. Ngunit nalungkot ako sa kaisipang iyon, masyado na akong napamahal sa isalang ito, lalo na sa mga tao rito.
Ganun din siguro si Austin, kaya ayaw niyang umalis. Kahit naman ako ay aaminin kong labag din sa kalooban ko ang umalis ngunit kailangan.
Nang lumubog na ang araw ay hindi na dapat ako pupunta muna kanila aling Mercedes dahil kakalabas lang ni Austin sa ospital at kailangan ko siyang alagaan.
"It's okay, we can go there. I'm fine"
Bukas na ang araw ng fiesta. Ngayon pa lamang parami ng parami na ang mga turista. May dumating na ring mga fire dancer at iba pa. May iilan akong nakitang artista rin sa bayan nung namasyal kami ni Pearly.
"Naku, hijo! Siguradong ayos ka na ba talaga?" si aling Mercedes nang makita kami tumtulong sa paghahanda nila.
"Ayos na po" magalang na tugon ni Austin.
"Sinasabi ko naman sa inyo hindi na kayo dapat nag abala pa. Galing pa kayo sa ospital at ikaw ay kakalabas lang dapat ay nagpapahinga kayo ng asawa mo ngayon"
Marami pang sinabi si aling Mercedes sa amin na kailangang magpahinga. Sa huli napailing na lamang ito dahil sa katigasan ng ulo namin ni Austin.
"Kayo talaga, o siya basta ay huwag kayong masyadong magpapagod, lalo na ikaw hijo. Huwag ka na ring sumali sa pag-iinom nila Freddie baka ay may mangyari masama pa sa iyo" sumusukong aniya.
"Pasensyahan niyo na talaga si nanay, ate. Ganun talaga yun masyadong maaalahanin" si Pearly.
Naintindihan ko naman si aling Mercedes bagkus ay natutuwa pa akong malamang nag-aalala siya sa amin.
Nasa kusina kami ngayon at tinutulungan siya sa paghiwa ng mga sangkap. Nang matapos kami ay itinabi na iyon upang gagamitin mamaya. Alas kwatro pa ng madaling araw simulan ang pag-luluto.
![](https://img.wattpad.com/cover/230493312-288-k502628.jpg)
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...