Rosalie
Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang hapdi sa mga balat ko. Ang sinag ng araw na tumama sa mukha ang dahilan ng agaran kong pagka-gising.
Napansin ko ang puting polo na naka-patong sa akin para bang ginawa iyong kumot. Napalingon agad ako kay Austin na walang damit pang-itaas.
Nakatalikod siya sa tila may niluluto dahil sa usok na nagkakalat. Ang aroma ng isdang iniihaw niya'y pumasok agad sa ilong ko. Nang lumingon ito ay nagtama ang mga paningin namin.
"Good morning" bati nito sa napapaos na boses. Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot.
"Here" aniya at lumapit sa banda ko dala-dala ang isang isdang inihaw.
"Paano ka nakakuha nito?" naguguluhang tanong ko sabay sulyap sa isdang inihaw na hawak niya.
"I tried fishing last night nung tulog kana. Mas marami kasing isda kapag gabi. Pero mahirap nga lang kasi madilim, here" aniya at iminuwestra sa akin ang isdang dala.
"P-paano ka? Nakakain ka na ba?"
Ngumisi ito at tiningnan ako. Kumabog naman ng malakas ang puso dahil doon.
"I'm done, that's for you, I know you're hungry" simpleng tugon niya. Napa-iwas naman ako dahil sa katawan niyang tumatambad sa harapan ko.
"Eat up, gusto mo subuan pa kita?"
Namula ang pisngi ko dahil sa dinagdag niya. Nakakainis! Bakit siya ganito? Hindi naman siya ganito sa akin dati ah?
Bakit ba kasi nagkaroon pa siya ng amnesia, masyado bang malala ang pagka-untog ng ulo niya?
"Mag damit ka nga!" naiinis na tugon ko at ibinigay sa kaniya ang kaniyang white polo shirt. Sinunod niya naman ang sinabi ko.
"Okay" natatawang tugon nito.
"Nilalamig ka kagabi, and I think you need a bodyheat"
Nabilaukan ako dahi sa sinabi niya, ibig sabihin...
"So, I hugged you and I thought you would kicked me but you didn't instead you hugged me too"
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maalala ang sinasabi niya o baka naman, nagsisinungaling lang siya.
Nang sulyapan ko siya ng tingin ay nakita ko naman ang kaniyang pag-ngisi.
"Sinungaling!"
"What? No! I didn't" tanggi nito kahit halata naman.
Hindi na ulit ako nag-salita ayaw kong makipag-talo sakaniya dahil naiinis ako sa sarili ko, ewan ko ba, bakit sa tuwing kausap ko siya ay sumasaya ako. Nababaliaw na ata ako.
Pagkatapos kong kumain ay tinanaw ko ang buong karagatan, napasulyap ako ako kay Austin na kaka-ahon pa lang sa tubig.
Pumatak ang butil ng mga tubig mula sakaniyang buhok papunta sa kaniyang matitipunong katawan. Bakit ganito na lang ka-perpekto ang lalaking ito?
Uminit ang pisngi ko nang magtama ang mga paningin namin, nakita ko naman ang kaniyang munting pag-ngisi.
"Hindi ka ba maliligo?" tanong niya nang tuluyan na siyang makalapit. Pinilit ko ang sarili kong huwag bigyan ng tingin ang katawan niya.
"H-hindi, hindi ako marunong lumangoy" tugon ko.
"Don't worry, I'll be by your side. Don't you trust me?"
Muli akong umuling.
"Ayos lang talaga, Austin" sagot ko at ibinaling ang paningin sa karagatan.
![](https://img.wattpad.com/cover/230493312-288-k502628.jpg)
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romansa(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...