Rosalie
Present
Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang isa-isang dinadampot ang sira-sirang kwuntas at pilit inaayos. Kahit na malamig na ang hangin at malakas na ang ulan ay hindi pa rin ako nagpatinag.
"Rosalie!"
Halos hindi ko na marinig ang boses na tumawag sa pangalan ko. Kung paano bumuhos ang ulan ay ganun rin ang patuloy na pagbuhos ng aking luha.
Nakaluhod na ako sa sahig sa patuloy na paghahanap sa sira-sirang kuwintas.
"Rosalie! Ano ka ba! Ang lakas ng ulan tumayo ka nga diyan!"
Wala na akong naramdamang pag-tulo ng ulan sa katawan ko nang tuluyan ng nakalapit sa gawi ko si Devie na may dalang payong.
"Ano ka ba! Basang basa ka na!"
Hinawakan niya ako ng mariin sa braso upang tumayo ngunit dahil sa panghihina ay bigla na lang akong natumba ganun rin si Devie.
"Rosalie naman oh! Papatayin mo ba ang sarili mo?!"
Dahil sa lamig at pagod ay unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Ang mga sinasabi ni Devie ay parang hindi ko na naririnig.
Nagising na lamang ako dahil sa pamilyar na bango. Nang ilibot ko ang mga paningin ko nakita ko ang pamilyar na puting paligid.
Una kong napansin si Devie na natutulog sa gilid ko sa ibaba ng kama. Sa sofa naman ay si Lesley. Kahit na imposible ay hindi ko maiwasang hanapin ng mga mata ko si Camille.
Nang pumasok ang nurse ay mabilis ang pag-gising ni Devie. Pinalitan lang ng nurse ang dextrose.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Rosalie?"
Sa tanong iyon ay mabilis ang pangingilid ng mga luha ko at hindi mapigilan ang paghikbi.
"S-sorry Devie.. "
Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay napakasama kong tao. Napakamakasarili ko. Hindi ko na inisip ang nararamdaman nina Devie dahil sa padalos-dalos na desisyon ko.
Hindi ko na naisip na nag-alala rin sila sa akin.
"Shh, tahan na.." mahinahong aniya at marahang hinaplos ang mga buhok.
"Magpahinga ka na, Rosalie. Kailangan mo iyan sa ngayon"
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pumunta muna ako ng bathroom pagkalabas ko ay mahimbing pang natutulog ang dalawa. Kinuha ko ang kumot sa hospital bed at yun ang ikinumot kay Devie at Rosalie na ngayon tabi ng natutulog sa sofa.
Maingat kong binuksan ang pintuan sinusuguradong hindi magising ang dalawa. Habang bitbit ang dextrose ay pumunta ako kung saan na-confine si Austin. Mabilis ko itong nahanap dahil nasa labas lang ng pintuan ang kaniyang pangalan.
Maliit kong binuksan ang pintuan at sinilip siya doon. Nasa tabi niya si Camille natutulog rin. Hindi ko maiwasang mapaluha habang tinitingnan silang dalawa.
Hindi ako nasasaktan para sa sarili ko. Nasasaktan ako dahil nasira ko ang relasyon nilang dalawa, nasasaktan ako dahil nasaktan ko si Camille at tuluyang nasira ang aming pag-kakaibigan.
Nang balingan ko ng tingin si Austin ay hindi ko mapigilang alalahanin ang nangyari sa amin sa loob ng halos isang buwan. Ang mapusok na naging relasyon namin.
Patawarin niyo akong dalawa, patawarin mo ako Austin dahil hindi ko sinabi sayo ang katotohanan, patawarin mo ako Camille dahil sinaktan kita.
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...