CHAPTER 12 - Promises

1.6K 38 4
                                    

Rosalie

Sa mundong ito habang lumalaki ako ay mas lalo kong napapagtanto ang kaibahan ng mga tao.

May mga bagay na kung para saiyo ay napakalaking bagay na, pero para naman sa iba ay maliit lang iyon.

"Ano ka ba, Rosalie, ayus lang yan. Ganun talaga at saka umalis nga ka agad diba?"

"Ewan ko ba, bakit nararamdaman ko ito Devie eh. Ang bigat sa pakiramdam."

"Kalimutan mo na iyon, para kay sir Austin hindi naman big deal iyon."

Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon kay Devie. Nandito kami ngayon sa palengke dahil sinamahan namin si Aling Celly. May ginagawa rin kasi si nanay kaya hindi niya ito nasamahan.

Abala ang lahat sa mansiyon dahil may party daw'ng magaganap mamaya. Welcome party para kay sir Austin, kasabay niyon ay wedding anniversary din ni sir Dulscisimo at ma'am Esmeralda.

"Alam mo ba mamaya. Maraming artista at ibat-ibang politician ang dadalo sa party." aniya ni Devie.

"Talaga?" gulat na tanong ko.

"Oo, ang iba kasi ay kaibigan ni sir Austin eh at saka alam mo naman maimpluwensiya ang pamilya Lazaro dito sa lugar na ito, maraming kakilala at isa sa pinakamayang pamilya."

Marami pang naikwento sa akin si Devie, tungkol sa mga karanasan niyang party sa mansiyon ng mga Lazaro. Hindi ko mawala wala ang pagkamangha sa bawat pagkwekwento niya.

Pagkatapos naming mamili ay naging abala na rin kami. Tinulungan namin ang ibang kasamahan namin sa paglilinis.

Masyadong malaki at malawak ang mansiyon kaya umabot kami ng ilang oras sa pag-lilinis at pag-aayos.

Maraming mga mamahaling gamit ang inihanda at mga masasarap na nakakatakam na pagkain.

May kinuha din silang cater na isa sa mga pinakasikat sa lugar na ito. Sila daw ang may pinaka masarap na pagkaing niluluto, at minsay palagi din silang kinukuha sa mga ganitong handaan. Lalo sa mga mayayamang pamilya katulad ng mga Lazaro.

"Ganyan din ang reaksiyon ko noon, hindi mawala wala ang pagkamangha, noong may handaan ding nagaganap dito, birthday naman iyon ni ma'am Esmeralda"

Hindi nababawasan ang mga pagkamangha ko sa bawat pagkukwento sa akin ni Devie. Kahit sobrang pagod ay dapat maayos ang aming trabaho.

Hindi ko na nga masyadong nakikita si nanay dahil abala din siya sa kaniyang trabaho at masyadong malaki amg mansiyon para magkasalubong pa kami.

Pagdating ng alas sais ng gabi ay unti-unti ng nagsidatingan ang mga panauhin. Tama nga si Devie maraming mga artista akong nakita na dumalo.

Minsay nasa tv ko lang nakikita noon ay hindi ako makapaniwalang nakita ko ito rito.

"Sabi sayo eh." aniya ni Devie.

Ako, si Devi at Lesley ay nandito sa bulwagan upang maglinis sa kung ano mang makikita naming kalat.

"Mag-ingat kayo sa mga kilos niyo baka may masagi kayo riyan." ito palagi ang
paalala sa amin ng mga nakakatanda.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon