CHAPTER 19 - Missed

1.5K 39 6
                                    

Rosalie

Ilang beses naming kinulikot ni Devie iyon, para tingnan kung totoong account talaga ni Austin iyon o poser lang.

"Sa kanya nga! Siya talaga 'to hindi ako nagakakamali!" deklara nito.

Ilang beses ring nagscroll sa comment section si Devie at tiningnan ang mga nagcomments.

"As in! Ikaw lang talaga!" aniya.

"B-baka, akin lang yung nakita niya" pagdadahilan ko. Ayaw kong mag-isip pa ng kung anu si Devie. Baka kami lang dalawa ang nagbi-bigdeal niyon, baka wala lang iyon kay Austin, o baka naman nagkamali lang skya ng pindot.

Maraming 'baka' akong naiisip, ayaw kong dumiretso sa mismong conclusion. Ayaw kong mag-assume, ayaw kong umasa.

"Imposible! Sa dinami-raming nagcomment bago ikaw, imposibleng sayo lang ang nakita niya, ano akala mo kay sir Austin bulag?!"

Dagdagan mo pa sa mga sinasabi ni Devie, mas lalong nakakadagdag sa pag-asa ko. Mahirap, mahirap ang umasa sa taong alam mong mahirap abutin.

Ngunit mayroon talagang mga bagay na kahit alam mong mahirap, alam mong hindi pwede pero pinipilit mo pa rin. Hindi tumitigil hanggat hindi pa nasusubukang masaktan.

Sa mga oras na ito ay parang gusto ko ng iumpog ang sarili ko sa semento. Kung pwede lang ay ibalik ko ang oras. Kung saan hindi na lang ako gumawa ng facebook para wala na akong iisipin ay ginawa ko na.

"Tingna mo, Rosalie oh. Pinagkakaguluhan ang comment mo!" agad akong lumapit sakaniya ulit at tiningnan iyon. Tama nga siya, maraming nagrereoly doon.

"I-delete mo nalang kasi, Devie" pagpupumilit ko ulit. Dahil kapag hindi ko iyon idelete ay baka marami pang makakita at mag-taka sila.

"Oo na nga, eto! eto-ay! biglang nawala?. Nilagay na ni sir Austin sa private, ibig sabihin wala ng makikita na mga comments at reacts"

"H-hindi ko na madedelete ang comment ko?"

"Malamang! Hala, ano kaya ang iisipin ni sir Austin, dun sa comment mo?" nanunuyang aniya.

"Wala namang i-ibig sabihin nun, tuldok lang iyon a-at saka baka hindi niya rin makita, sa dami ba naman" patuloy na pagdedepensa ko sa sarili.

Ngumuso naman si Devie sa itinugon ko. Kahit na halata sa mata niya ang panunukso ay nagpapasalamat na ako dahil kahit papaano ay tumigil na rin siya. Iniiwasan ko lang na magtama ang tingin namin dahil paniguradong hahagalpak na naman ito ng tawa.

Kinabukasan ay pinilit kong iniwala iyon sa isip ko at nag-focus na lang sa pag-aaral. Gaya noong nakaraan ay sunod-sunod rin ang mga quizes namin.

"Bakit kaya hindi na tayo inaantay ni Lesley?" biglang tanong ni Devie nang sa isang mag-hapong umuwi kami.

"Hindi ko rin alam eh"

"Baka naman hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap ang pagkalo niya? Grabe naman ilang araw na ang lumipas! Tapos na ang intrams! Hay naku!"

Pagka-uwi namin ay sa kwarto na naman kami ni Austin nag-linis.

"Hmm, may ganadong mag-linis" pagpaparinig ni Devie habang pinupunasan ang bintana ng kwarto ni Austin. Ako naman ay inaalis ang alikabok sa mga painting at mga picture frame.

Mayroon pa dung picture nilang magpapamilya, ang isa naman ay silang tatlo magkapatid.

"Ang cute ni sir oh" lumapit sa akin si Devie na may dalang dalawang picture frame. Picture ni Austin ang laman nun ang isa naman ay noong bata pa siya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniyang litrato.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon