Rosalie
Ang sabi nila hindi mali mag-mahal. Oo, walang mali sa pagmamahal, hindi natin madidiktahan ang mga sarili nating tumigil. Ngunit ang mali doon, ay ang taong minamahal.
May mga tao na parang bituin, napaka-hirap abutin. Yung tipong hanggang tingin ka nalang kasi hindi mo abot.
Hindi ko na alam kung ilang araw na kami sa islang ito, anong araw na ba? At anong oras na.
May naghahanap kaya sa amin? Masyado bang liblib ang islang ito? si Camille hinahanap niya kaya si Austin? May idea ba sila na magka-sama kami?
"Austin, hindi ka ba nabahala?" tanong ko rito at bahagyang nilingon sya.
"For?" tugon nito nang nagtagal ang tingin sa dagat bago ako binalingan. Napansin ko ang medyong pag-iba ng kaniyang kutis.
"Paano kung hindi na tayo makaka-uwi." tugon ko. Kumunot ang kaniyang noo at tila may malalim na inisip. Bumuntong hininga ito.
"I'm bothered too, there's something in my part that I want to remember everything. But sometimes, I don't want to"
Hindi na ako umimik. Gustong gusto kong maka-alala sya. Ngunit masyadong makasarili ang kaligayahan ko kung iniisip niyang mahal niya ako sapagkat may hindi siya naaalala.
Mahal ko si Camille at hindi ko ata kakakayaning masaktan siya. Sa bawat paglipas ng panahon at oras na pananatili namin sa islang ito ay walang oras na hindi ko hiniling sa panginoon na sana, sana may makahanap na sa amin.
Ayaw kong palalain ang lahat. Masyadong ng komplikado. Kung pwede lang ay sana ako na lang mag-isa ang napadpad dito ay ayos lang. Kaysa sa ganitong nangyari na ito.
"I had a dream last night."
Napalingon ako sa sinabi niya nang magkasalubong ang tingin namin ay mabilis kong ibanalik sa dagat ang aking paningin. Hinintay ko siyang ipag-patuloy ko ang sasabihin niya ngunit hindi na ito nag-salita.
Nang lingunin ko ay nakita ko ang pag-aabang at pag-tatanong sa kaniyang mga mata na kung interesado ba ako sa maari niyang sasabihin.
"A-ano yun?" tugon ko muling tumingin sa payapang karagatan. Kumawala ito ng malalim na buntong hininga at matagal bago sumagot.
"Before the incident happened, napanaginipan ko ang engagement party..."
Nilingon ko siya, ngunit imbes na umiwas ay matapang kong sinalubong ang tingin niyang malalim kahit na nanghihina na ako.
"I asked you a marriage proposal and you said yes.."
Parang luluwa ang puso ko dahil sinabi niya. Pinilit kong kinalma ang sarili kahit na sa sobrang paghaharumentado.
"After that, the big waves crash our yacht and we stucked here."
Sa pagka-alala ko, ganun nga ang nangyari pagkatapos niyang mag-propose ay nagkagulo ang lahat dahil sa malaking alon na tumama sa yatch na sinakyan namin.
Ngunit hindi ako ang babaeng iyon. Kung ako ang nasa panaginip niya iba ang sa actual na pangyayari. Siguro kaya ako ang naaalala niya dahil ako ang kaniyang unang nakita .
"Ganun ba ang nangyari kaya tayo napadpad dito?" hindi ko inaaasahan ang karugtong na itatanong niya. Wala akong ibang choice kundi tumango bilang tugon. Ngunit hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kaniya na hindi ako ang babaeng nasa panaginip niya.
"So, you're not yet my wife, you're my fiancee, but..."
Napatingin siya sa kamay ko tila may hinanap siya, kaya may napagtanto ako. Paano ko masusuot yun hindi naman ako ang babaeng gusto mong pakasalan.
BINABASA MO ANG
Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)
Romance(UNDER EDITING BECAUSE OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR) After encountering a catastrophe while on a yacht. Maria Rosalie Fabregas woke up in an island with the man whom she loved dearly, but she wanted to forget it badly. For a certain reason Austin...