CHAPTER 20 - Like

1.4K 48 5
                                    

Rosalie

"Don't you miss me?"

Ilang beses akong napakurap-kurap upang kumbinsihin ang sarili na hindi ito panaginip. Ang mabangong panlalaki niyang amoy ay lumanghap sa akin.

Ilang besed kong ibuka tikom ang bibig ko dahilang wala akong masabi. Parang kagabi lang ay nag-cha-chat lang kami at ngayon nasa harapan ko na siya.

"N-nakauwi ka na pala" nangangatong ang binti konat halos hindi ko siya matingnan. Hindi ko alam bakit ganito na lang ka-sobrang kaba ang nararamdaman ko.

Tanging mahinang pagtawa lang nito ang kaniyang itinugon.

"Get in" aniya habang binubuksan ang pintuan ng kotse niya sa passenger seat. Hindi na ako umangal o nagtanong pa, dahil sa kabang nararamdaman ay sinunod ko na lang siya.

"You look nervous, don't you?" tanong nito nang tuluyang ring makapasok.

"U-uhm, hindi lang komportable"

Bahagya ko siyang nilingon at nakangising tumango ito habang nasa daan ang kaniyang mga paningin at sinumulan ng magmaneho.

Pasimple ko namang kinurot ang kamay ko upang kompirmahing hindi nga ito panaginip at pakalmahin din ang sarili dahil sa walang tigil na paghaharumentado ng puso ko.

Habang nasa kotse ay ang tanging aircon lang ang namimigitang ingay sa aming dalawa.

"Saan tayo pupunta?" panimula nito habang pinuputol ang katahimikan.

"Uhmm, u-uuwi?" sa sobrang paghaharumentado ay yun lang ang naitugon ko. Wala akong maisip na isasagot.

"Nah" aniya habang nakakunot ang noo, ngunit hindi pa rin mawala ang kaniyang ngisi.

Ilang minutong byahe ay hindi na nasundan pa ang aming pag-uusap. Tumigil kami sa parking lot.

Tatangalin ko na sana ang seatbealt ngunit napagtanto kong hindi ako marunong, kaya ilang minuto pa ang tinagal nun.

"Let me" aniya. Agad akong napaatras dahil sa sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Amoy na amoy ko ang kaniyang mabangong panlalaking mouthwash, pati ang kaniyang pabango.

Madali lang natanggal ni Austin iyon, hindi na ako nagdalawang isip at agad nang lumabas upang kumuha doob ng hangin para sa sarili. Hihimatayin ata ako sa sobrang lapit niya sa akin.

"Follow me"

Sinunod ko naman siya, pumasok kami sa mall. Ito ata ang pangalawang beses kong makapunta sa mall, noong una noong isinama ako ni Camille at hindi na iyon nasundan pa. At ngayon isinama naman ako ni Austin.

Masyadong malalaki at ang kaniyang hakbang kaya hindi ko siya masyadong nasusundan. Nakakunot ang noo niya akong nilingon.

"Come here"

"huh?"

"Come here, you're too far"

Parang nahihinoptismo ako ng kaniyang mga sinasabi at madali lang akong napapasunod. Marami akong napapansin na maraming mga matang nakatingin kay Austin sa kaniyang dinadaanan.

Kaya hindi ako masyadong lumapit sa tabi niya. Kung titingnan ay nasa likod lang niya ako nakasunod parang isang alalay.

Ang kadalasan ay mga babae, halos mababali na ang kanilang mga leeg sa kakatingin sa kaniya, habang siya naman ay parang baliwala lang.

Hindi ko sila masisisi kung bakit siya pinagtitinginan, kilala ang kanilang pamilya sa lalawigang ito. Malamang ay karamihan dito ay kilala rin siya. At kung sa hitsura naman ay daig niya pa ang isang modelo.

Lazaro Series #1: It's You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon