Chapter 1

370 15 1
                                        

Iniwan ko na sina Pia sa Cafeteria at pumasok na ako dahil mag sisimula na ang klase.

Pagkarating ko roon ay pumwesto na ako sa may bandang dulo gaya ng nakasanayan. Habang nag hihintay ng prof ay binuksan ko muna ang libro ko para mag basa basa.

Umayos ng upo ang mga blockmates ko ng may pumasok na sa pinto at dumeretsyo sa unahan.

Siya?!

Tinakpan ko ng libro ang mukha ko para hindi niya ako makita. Nakakahiya!

"I'm Jonathan Ruiz at ako ang mag te-take over sa klase ni Ms. Del Rosario." anito. Luminga linga pa siya para tignan ang mga studyante niya. Yumuko ako ng tumingin siya sa akin. "Gusto kong ma familiarize sa inyo. Hawak ko ang Index Cards niyo. Say present when I call your name"

Nag umpisa na siyang mag sabi ng mga pangalan. Lalo tuloy akong kinabahan.

"Janica Marisen Yap" anito. Itinaas ko ang kamay pero hindi inaalis ang libro sa mukha.

"P-present"

"Ms. Yap remove the book. I can't see your face" utos niya. Dahan dahan kong inalis ang libro na nakatakip sa akin. Ngumisi siya ng tuluyan na akong makita. "Mahilig sa numbers"

"Po?" patay! Naalala niya.

Bakit kasi sinunod ko pa ang utos ng mga babaeng yun! Prof ko pala si Mr. sungit. Lagot ka Janica!

"Mahilig ka sa numbers, Math book ang hawak mo kanina hindi ba?" tinignan ko ang librong nasa mesa ko. Math book nga! Akala ko ibubuking na ako eh!

"Ah o-opo" Nginisian niya ako saka inalis ang tingin sa akin.

Gusto kong mag laho sa kahihiyan. Lamunin na ko ng lupa!

Nag turo siya ng mabilis. Tuwing titingin siya sa pwesto ko ay agad akong yuyuko at kunyaring mag susulat o mag babasa.

Bakit ba naman kasi kung sino pang idi-nare sa akin yun pa yung prof ko! Baka ipa suspend niya ako dahil sa ginawa ko kanina.

Hindi ako makapag focus sa itinuturo niya dahil lumilipad ang isip ko. Hindi ako mapakali!.

Baka sabihin niya ang landi landi ko!

Eh pano ba naman kasi hindi naman siya mukhang teacher! Wala pa siyang I.D kanina kaya akala ko transfer siya!

Mukha kaya siyang kaedad ko lang... Mukhang hindi na momroblema sa pag tuturo dahil wala man lang pimples o kung ano sa mukha. Napaka kinis... Hindi man sobrang puti pero mukhang sobrang linis.

Pang modelo pa ang tindig niya sa harapan. Ang ganda ng katawan. Kung ngumisi akala mo hearthrob...

Kung hindi ko lang siya prof ay baka crush ko pa to ngayon.

Aish! Ano bang pinag iisip ko? Pinag papantasyahan ko na ba ang prof ko? Nakakahiya ka Janica! Hindi pwede!

Halos mapatalon ako sa gulat ng may mag snap sa gilid ko. Agad kong tinignan kung sino yun. Pag lingon ko ay tumambad sa akin si Sir na nag sasalita at nag tuturo.

"Listen Ms. Yap" pabulong na anito saka lumayo sa akin.

Nasapo ko na lang ang noo dahil doon. Bakit ganito? Ngayon lang ako sobrang nahiya ng ganito...

Agad na natapos ang klase niya. Naintindihan ko naman ang itinuro niya pero hindi ako ganoon ka active kanina dahil sa iniisip ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko saka isinakbit ang bag ko sa balikat at nag lakad pa labas.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon