Play "That should be me by Justin Bieber" while reading...
Mugtong mugto ang mga mata ko ng pumasok ako sa Milestone... Alam kong mag tatanong sina Elle mamaya kaya agad akong bumuo ng alibi sa utak ko.
Nakayuko akong naglakad pa pasok para hindi ako pag tuunan ng pansin ng mga taong makakasalubong ko.
Yakap yakap ko ang dalawa kong libro habang nag lalakad. Naninibago ako dahil hindi ko kasama si Karl ngayon dahil marami raw siyang gagawing requirements kaya nauna na siyang pumasok.
Ibinaba ko ang dalawa kong libro saka ngumiti ng makita si Nathan.
"Goodmorning S-" napalunok na lang ako ng lagpasan niya ako na para bang hindi kami mag kakilala o hindi niya ako nakita.
Lalo akong nalungkot ng kunin niya ang bag ni Ms. Jimenez at talikuran ako...
Pumasok na ako sa loob saka hindi ipinahalata ang mga nangyari kanina.
Bumati ako sa tatlo at ganun din sila sa akin. Nagtanong pa sila kung bakit maga ang mata ko pero ang sabi ko ay dahil sa pinanood ko. Pumasok na si Nathan sa loob kaya yumuko na ako itinuon sa iba ang atensyon..
May ipinagawa siyang Assessment Test sa amin ng matapos ang discussion... Mabilis ko iyong sinagutan.
Ito na lang ang gagamitin ko para makausap ka...
Lumapit ako sa kaniya saka ngumiti na parang walang nangyari at ipinakita ko ang papel ko.
Kinuha niya iyon saka binasa.
"Sir can-"
"Class dismissed" anito saka tumayo at iwan ako.
Yeah... Yan ang hiniling mo Janica... Yan ang sinabi mo... Pero ang hirap dahil hindi ko ito ginusto.
Bumalik ako sa upuan ko para kunin ang mga gamit ko...
"Sinusundo na ako ni Xave Guys..." paalam ni Elle saka lumapit sa aming tatlo at bumeso. "Bye"
Tumango ako bago siya umalis at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Kami din ni Jat, Janica... Bye" paalam rin ni Kart bago sila umalis.
Balak ko lang sanang pumunta na sa Next class ko at dun na mag hintay ng 30 Minutes dahil wala naman akong pupuntahan pero pag bukas ko ng bulsa ng bag ko ay nakita ko ang sandwich na ginagawa ko kanina.
Para to kay Nathan... Nabuhayan ako ng loob dahil dun... Baka ngayon pwede na.
Umalis ako at nag punta sa office ni Nathan. Dito lang naman siya tumatambay kapag breaktime.
Pipihitin ko na sana ang doorknob ng banggain ni Ms. Jimenez ang balikat ko at unahan ako sa pag bubukas ng pinto.
Nagdirediretsyo siya sa loob saka lumapit kay Nathan.
"Sir may dinala akong pagkain" Aniya saka inabot ang paper bag.
"Thank you" Pagpapasalamat ni Nathan bago iyon buksan... Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng ibaling nila sa akin ang tingin. "What are you doing here Ms. Yap?"
"Ah ano" agad kong itinago sa likod ko ang sandwich saka kinuha ang papel na dapat ay ipapasa ko kanina. "Ipapasa ko lang po ito"
Nahihiya kong inilapag iyon sa lamesa niya bago tumalikod.
"Ms. Yap" awtomatiko akong lumingon ng marinig ang pag tawag niya.
"Yes Sir?" nakangiti kong tanong.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...