Chapter 4

157 9 0
                                        

Kinuha ko ang mga papers na sinagutan ko kagabi dahil kailangan ko ng ipasa ito ngayon... Ngayon kasi ang sinabing deadline ni Ms. Pamintuan ...

Ewan ko kung bakit gusto niya ng ipapasa ito ngayon eh pwede namang pag natapos na lang ang Interhigh para di hassle!

Paalis na sana ako ng tawagin ako ni Mommy.

"San ka pupunta? Hindi bat wala kayong pasok ngayon" Nakalimutan ko palang ipag paalam sa kaniya...

"Ipapasa ko lang to sa Milestone Mommy babalik din kaagad ako"

"Talaga lang ha!" ayaw pang maniwala mukha ba akong gagala? Naglakad ako papalapit sakanya saka siya hinalikan sa pisngi bago ako umalis.

Maaga palang kaya wala pang masyadong traffic at agad kaming nakarating sa Milestone.

Kinuha ko ang ID sa bag saka iyon pinascan kay kuya Guard... Masyadong strikto ang skwelahang ito kaya safe na safe...

Agad akong nag lakad papunta sa opisina ni Ms. Pamintuan... Pag pasok ko dun ay wala siya kaya iniwan ko na lang ang folder ko sa lamesa niya at ipinagbilin iyon sa nakabantay...

Paalis na sana ako ng bigla akong tawagan ni TJ. Si Teacher Jeria ang nag aasikaso sa Fushion bukod kay Elle... Siya ang nagbibigay ng pangangailangan ng Fushion... TJ ang gusto niyang itawag namin sa kaniya dahil hindi naman daw nalalayo ang edad niya sa amin.

[Janica, may favor sana ako sayo eh]

"Ano yon TJ?"

[Nagkaron ng aksidente kanina sa fushion kaya makukulangan sila ng isang myembro... Malapit na ang Interhigh at wala na silang oras para iensayo ang magiging bago... Kaya ikaw ang naisip kong puntahan dahil alam kong hindi sila mahihirapan sayo at naging fushion na narin] paliwanag niya...

"Pero TJ alam mo naman na"

[Janica please? Isantabi mo muna ang meron sainyo ni Elle... Gawin mo to para sa akin at sa fushion]

Sa palagay ko ay wala na akong magagawa. Kailangan nila ng myembro at ako ang hinahanap nila...

Miski hindi ako handa ay um-oo na lang ako saka pinatay ang tawag at pumunta sa Circle kung saan nandun sina Elle.

Wala pa si Elle kaya naupo muna ako sa bench at naghintay. Inayos ko ang desisyon ko at ngayon ay desidido na ako... Manghihingi na ako ng tawad sa kaniya.

Napatayo ako kaagad ng makita
siyang papalapit sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" kalmadong tanong niya. Ilinaw ko ang lalamunan bago mag salita.

"Tinawagan ako ni TJ. Sinabi niya yung nangyari kay Yastin and nanghingi siya ng Favor"

"So nandito ka dahil sa pabor? Hmm kung hindi ka interisado ay umalis ka na ayoko naman na isipin mo na uhaw kami sa myembro" aniya sa matapang na boses. Siguradong inuunahan niya na ako dahil akala niya ay nandito ako para mang bwisit at mag simula ng gulo.

"I'm not here to argue with you and in fact I'm here to apologize to you" Hindi agad siya naniwala base sa tingin niya sa akin para niya akong kinikilatis ngayon kung totoo ba ang sinasabi ko. "Hey I'm not napipilitan! I'm sincere! Believe me I want to apologize so please forgive me okay?"

"What if I don't?"

"Do I need to kiss your feet? If yes I won't do that! You are so sinuswerte naman!" sabi ko saka siya inirapan. Nag pout pa ako para pumayag siya.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon