Chapter 17

88 7 0
                                        

"Janica!" Sigaw ni Mommy mula sa labas kaya agad kong ibinaba ang liptint ko.

"Po?"

"Bumaba ka rito!"

"Wait lang po Mommy! Nag aayos pa ko!" sagot ko saka ipinagpatuloy ang pag aayos.

Matatapos na ako sa pag aayos ng marinig kong tumawag ulit si Mommy.

"Janica!"

"Wait lang po Mommy!"

Ano ba kasing nangyayari? Binilisan ko na ang pag aayos saka agad na bumaba para puntahan si Mommy.

Pag ka baba ko ay nakita ko agad siya na nag hihintay sa dulo ng hagdanan.

"May bisita ka"

"Bisita? Sino?"

Wala akong naaalala na pinapunta ko rito sina Elle. Sinong bisita?

Pumunta si Mommy sa may kusina kaya sumunod ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Hi Bal!" masayang anito saka lumapit saakin. "Sinusundo kita"

"Bakit? Ikaw ba si Kamatayan?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

Ngumuso siya saka tumingin sa kinaroroonan ni Mommy na para bang nag susumbong kaya agad akong pinandilatan ng mata ni Mommy.

"Bakit ka nga nandito?"

"Paulit ulit? Sinusundo ka nga" Inirapan ko lang siya saka pinanliitan ng mata.

"Alam ko pero may sundo ako"

"Wala na..." anito kaya itinagilid ko ang ulo ko para makita siya ng ayos. "Nakasalubong ko yung driver niyo at ang sabi ko ay ako na ang susundo sayo kaya-"

"Pinauwi mo?!"

"Anak!" saway ni Mommy saakin dahil biglang lumakas ang boses ko. Pano ba naman kasi wala na ngang pasabi pinauwi pa yung susundo sa akin.

"Pinauwi mo?" mahinahong tanong ko ulit sa kaniya.

"Oo kaya sasabay ka na sa akin... Ano?"

"May choice pa ba ako?"

"Oo, mag lalakad o sasabay..." mapang-asar na sagot pa siya kaya pinanlisikan ko siya ng mata. "Ano tara na?"

"Teka, kukunin ko pa yung gamit ko"

Naka krus ang mga braso kong tumalikod sa kaniya saka umakyat papunta sa kwarto para kunin ang mga gamit.

Buti na lang at nakakain na ako kaya hindi na mag aantay tong si Ramirez ng matagal. Swerte niya di masama ang ugali ko.

Nag paalam na ako kay Mommy bago kami tuluyang umalis.

Nag mimistulang driver ko na tuloy yo dahil kahapon lang ay siya ang nag hatid sa akin at ngayon naman ay siya ulit ang kasama ko.

"Thank you" sabi ko ng makababa na ng sasakyan.

"Ihahatid na kita"

"Huh?" Pag chichismisan na naman kami neto eh. Tsk!

"Ihahatid na kita"

"Ah wag na... Ano kasi mag si-Cr muna ako." I lied. Kailangan kong mag sinungaling para pumayag siya.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon