Chapter 10

71 8 0
                                    

"Really?" Tanong nito... Hindi parin siya makapaniwala sa sinabi ko kanina.

Umalis muna si Mommy para maiwan kami rito at makapag usap.

"Oo, Matagal ko na rin yun pag iniisipan."

Sa kabila ng mga away at tampuhan namin sa isa't isa ay mas pinili ko parin ang pag mamahal ko sa kaniya.

"I'm so happy... I didn't expect na ngayon mo sasabihin yun" Maligayang anito saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi bago ako halikan sa noo.

Tinapik ko lang siya sa braso bago siya tuluyang lumayo.

Habang kumakain ay bakas parin sa labi nya ang ngiti kaya hindi ko mapigilang mahawa at ngumiti na rin.

"Salamat po sa pag inbita" ani Nathan kay Mommy bago siya umalis.

"Wala iyon... Nathan,tama ba?" Tumango siya. "Maraming salamat sa pag dalo... Mag iingat ka"

Tuluyan na kaming iniwan ni Mommy matapos niyang sabihin iyon. Sinamahan ko si Nathan pa punta sa kotse niya para duon makapag usap.

"Sa susunod ikaw naman ang ipapakilala ko" Hinawakan niya ang baba ko kaya nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

"H-hindi pa ako ready" Itinagilid niya ang ulo saka ako binigyan ng nagtatakang tingin. "Alam mo naman na ano diba?... Ano..."

"Yah, I understand... Tell me when you're ready"

"I promise"

Pumasok na ako sa loob ng makaalis na si Nathan... Medyo malamig na rin sa labas at wala na akong gagawin kaya pumasok na ako sa kwarto...

Matapos kong mag ayos ay pabagsak kong inihiga ang buong katawan ko sa kama.

Napatingin pa ako sa kisame ng kwarto ko at parang pinauulit ulit ang mga nangyari kanina sa isipan ko...

Kung hindi makapaniwala si Nathan ay ganun rin ako... Wala pa akong nagiging boyfriend... Siya ang una kong ipinakilala kay mommy. Medyo kinabahan tuloy ako dahil wala akong ideya sa mga dapat at hindi ko dapat gawin...

Tinakluban ko ng unan ang mukha ko dahil sigurado akong anumang oras ay bibigay ang puso ko at sisigaw na naman ako... Baka pumasok na naman si Mommy kapag narinig niya.

____________________

Apat na araw na ang nakalipas simula ng pumunta si Nathan rito sa bahay.

Naging busy kasi siya sa mga papers dahil malapit na ulit mag simula ang klase...

Madalas siyang nasa Milestone dahil naging sunod sunod rin ang mga meetings nila at dun na rin niya ginagawa ang mga kailangan niyang gawin.

Masaya naman ako dahil kahit ganoong abala siya sa trabaho ay hindi niya parin ako nakakalimutan...

Madalas siyang tumawag sa akin... Hindi lumilipas ang araw ng wala siyang iiwan sa aking text o kung ano man... Nakikita rin naman namin ang isa't isa dahil madalas kaming mag kausap sa Messenger...

Nag aalinlangan kong binuksan ang phone ko at tinignan ang number niya sa phone book ko.

Hindi ko alam kung tatawagan ko ba siya o hindi dahil baka nag papahinga siya o baka masyado siyang maraming ginagawa ngayon.

Papatayin ko na sana ang phone ko ng makita kong tumawag siya kaya mabilis kong sinuklay ng kamay ang buhok ko saka kinagat kagat ang labi ko para pumula ng kaunti.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon