Inayos ko ang sarili ng makita ko sa harapan si Ms. Inah. Naka krus ang dalawang braso nito habang binibigyan ako ng mapang-asar na ngiti...
"Are you crying Ms. Yap?" tanong nito. Baka tumatawa ako...
"No Ms. Inah"
"Wag mo ng ideny obvious naman"
"Obvious naman pala bakit mo pa tinanong?" sarkastiko kong tanong sa kaniya... Pilit kong kinakalma ang sarili ko pero hindi ko mapigilang ipagtanggol ang sarili ko.
"Whatever..."
"Anong pakay mo?" Deretsyong tanong ko... Sigurado akong may gusto siyang patunayan o kung ano kaya niya ginawa yun.
"Nalaman ko ang relasyon niyo ni Nathan..." Di na ako nag taka. "Hindi mo ba alam na mali ang ginagawa niyo?" Saglit akong napasinghal dahil sa sinabi niya. Talagang ako ang tinatanong niya ng ganun?
"Pag nasa eskwelahan kami ang mali..." Huminga ako ng malalim saka siya tinignan ng deretsyo. "Ikaw? Alam mo bang mali ang ginawa mo? Alam mong may girlfriend siya pero pinagpatuloy mo parin yun... In that state Ikaw ang mali"
Alam kong nawawalan na ako ng respeto sa kaniya pero may paniniwala kasi ako na respect is given to those who deserve it.
"You're rude! Teacher mo parin ako!"
"Hindi kita naging teacher kaya masasabi ko sa sarili ko na maswerte ako..." Bakas ang pagkabigla niya dahil sa mga binibitawan kong salita sa kaniya. Hindi niya inakalang manlalaban ako sa kaniya. "Kung nababastusan ka saakin po? I'm sorry... po... Pero hindi ko binabawi ang mga sinasabi ko po"
"You'll pay for this! Hindi mo gugustuhing sinagot mo ako"
"Hindi nga... Ang makita palang kita ay hindi ko na, ginusto makausap ka pa kaya... po?..." binigyan ko siya ng mapang insultong ngiti... "Excuse me, MAAM"
iniwan ko siyang tulala. Taas noo akong naglakad papalayo sa kaniya...
Hinihintay ko na lang si Nathan na bumalik para makauwi na rin ako. Sinabi ko sa sarili ko na walang kasalanan si Nathan sa nangyari, hindi niya ginusto iyon. Ayokong sisihin na naman siya sa kasalanang hindi niya ginawa.
"Let's go?" Matigas na tanong niya ng makabalik na. Tumango lang ako saka siya sinabayang mag lakad.
Tahimik kaming bumyahe. Pinilit kong pakalmahin ang bibig ko para hindi na ako mag tanong tungkol sa nangyari kanina. Ayokong mag away kami...
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Umikot siya para pag buksan ako ng pinto.
"Thank you" akmang hahalikan ko siya sa pisngi ng iiwas niya ito sa akin. Para akong nakaramdam ng kung anong kirot dahil dun.
"I-I'm sorry" anito. Nag babadya na ang mga luha ko kaya nilakihan ko ang mata ko para hindi tuluyang mapapikit... Hindi na dapat bigdeal to.
"No it's okay... Papasok na ako" paal ko saka tuluyang pumasok sa loob.
Cold... Yan ang isang salitang mailalarawan ko sa kaniya...
______________
Lunes na... May pasok na naman kami... Tapos na ang mahabang pamamahinga..
Nag ayos na agad ako at saglit na kumain. Kinuha ko ang phone ko para itext si Nathan.
Medyo nadismaya ako dahil tuwing gigising ako ay nasanay akong bumubungad sa akin anh text niya. Pero wala.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...