Chapter 24

62 7 1
                                    

Palabas na sana ako nang marinig kong mag beep ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bag at chineck.

From: Elle

Pumunta ka sa Studio, magpapractice para sa farewell natin.

Oo nga pala...

To: Elle

Sige papunta na ako.

Ilang linggo na lang ay tapos na kami... Hindi na ako mag aaral rito sa Milestone at tapos na ang lahat.

Na sabi na saakin ni Elle iyon... Gagawin namin iyon bago ang Graduation.

Yun na ang mag sisilbi naming paalam sa Fushion at Milestone... Huling sayaw bilang Milestonian.

Isinara ko na ang bag ko saka ako mabilis na nag tungo sa studio gaya ng napag usapan.

Naabutan ko roon ang fushion. Sinalubong pa ako ni Ira para abutan ng tubig kaya sinuklian ko naman siya ng ngiti saka tinanggap iyon.

"Let's start?" tanong ni Elle saka nagtungo sa unahan.

Habang nag eensayo ay magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung mas pipiliin kong maging masaya dahil sa wakas ay tapos na ang lahat ng paghihirap namin bilang mag aaral.

Pero hindi ko rin maiwasang malungkot dahil sa kabila ng hirap na naranasan namin ay may masasayang memorya din naman kaming iiwan sa eskwelahang ito.

Madaming iyakan pero lamang ang halakhakan....

Madaming buskahan at asaran pero mas higit na marami ang biruan....

At sa huli hindi maalis sa isipan ko na heto na ang hinihintay namin ni Nathan... Ang umalis ako para maging pwede kaming dalawa.

Mabilis na natapos ang ensayo at ang ibang kaninang naririto ay nagsi alisan narin para pumunta sa iba't iba nilang block.

"Sige Janica, mauuna na ako may next class pa ako eh" paalam ni Elle.

Tinanguan ko lang siya bago siya umalis at iwan ako.

Inayos ko na rin ang mga gamit ko. Nagpalit pa ako ng damit dahil basang basa na ang suot ko bago umalis.

"Water?"

Nagulat ako ng bumungad sa akin sina Karl at Nathan at sabay pa talaga nilang itinaas ang bottled water na hawak hawak nila.

Magkasama na naman ang dalawang to?

"Tubig bal?"

"Water Ms. Yap"

Lumunok ako saka itinaas ang sarili kong bottled water para matigil na sila.

Sabay nilang ibinaba ang mga bote dahil sa ginawa ko.

Akmang aalis na sana ako ng hawakan nila ang magkabilaang pulsuhan ko dahilan para mapahinto ako.

"May next class ka? Hatid kita Bal"

"Ako na ang mag hahatid sayo Ms. Yap"

Sandali akong huminga ng malalim bago sila tignang dalawa.

Kailangan ba talagang palagi silang sabay?

"Hindi na... Wala na akong klase" pag tanggi ko.

"May Laro kami Bal baka gusto mong manood"

"Ah Ms. Yap baka pwede makahingi ng tulong sa papers"

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon