Warning: 18+ Read at your own risk
Hoy 18+ diba? Bakit nandito ka pa? Susumbong kita sa mommy mo!
------------------------------------------
Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama dahil sa pagod sa pag lilinis.
Ilang araw na lang kasi at babalik na rin ako sa France para asikasuhin ang mga naiwan ko roon. Hindi naman ako pwede mag pa banjing banjing lang dahil pangarap ko ang nakasalalay roon.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ng makarinig ako ng sunod sunod na pagkatok sa pinto.
"Sandali"
Nag madali akong maglakad papunta sa bintuan at agad iyong binuksan.
"Anong?"
"Hi Tita Janica" bati sa akin ni Jameson habang hawak hawak ni Nathan.
Hindi ko alam kung anong dapat sabihin at gawin ngayong kaharap ko ang mag amang ito.
"H-hi" nahihiya kong bati rin sa kaniya.
"Let's go son baka busy si Tita Janica" pag yayakag ni Nathan sa bata pero nanatili parin ito sa harapan ko.
"Wait daddy! Tita Janica, can you do me a favor please"
"Ahm ano yun?" tanong ko sa kaniya saka lumuhod para malinaw siyang makita.
Tumingin pa siya kay Nathan bago muling humarap sa akin.
Ano naman kaya iyon? Bakit parang kinakabahan ako?
"Can you come with us po?"
"Huh?" tangi kong naisagot. Nagulat rin kasi ako sa sinabi niya.
Bakit ako? Ang mommy niya?
"Please tita! I want to go to the Mall with daddy!"pamimilit pa nito saka inuga uga ang kamay ko.
Pero kasi umiiwas na ako sa daddy mo... Baka kasi mahulog na naman ako at hindi na makabangon.
Anong gagawin ko?
(TT)
"Wag mo ng pilitin Son baka may kailangan siyang gawin"
"But daddy! You said you would not go without Tita Janica!" pag dadahilan pa ni Jameson. Bumitaw siya sa akin saka umupo sa sahig at sumandal sa pader. "I want to bond with you"
Bigla naman akong naawa sa sinabi niya.
Gustong gusto niya naman makasama ang tatay niya. Bakit ba naman kasi pati ako?
Lumalayo nga ako ih (+_+)
"Let's go Jameson papatulugin na lang kita" pag yayaya pa ni Jameson saka pilit na itinayo si Jameson na ngayon ay nakanguso parin.
"I just woke up!"
Agad kong tinakpan ang bibig para maitago ang pag tawa.
Oo nga naman... Kakagising lang tas papatulugin nanaman ? HAHAHA
Papapasok na sana sila ulit ng bigla kong naisip na kawawa naman si Jameson.
"Wait!" sabay silang napalingon sa akin. "mag papalit lang ako"
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...